Chapter 51: Mahal Kita

63 1 0
                                    

CHAPTER 51: Mahal Kita

J

EROME'S P.O.V.

"DO you think you can be happy with Jerome?" she asked sarcastically while laughing so evil. "You can't, Hazel. Kung hindi ako masaya. S'yempre, dapat hindi ka rin masaya!" sigaw ni Tiffany habang nakatutok sa akin ang baril na hawak niya na ikinayuko ko at ipinikit ng mga mata.

Tanggap ko na ang mangyayari sa amin. Hanggang dito na lang kami dahil hindi na kami makakalabas pa ng buhay sa lumang bahay na ito.

Naipikit ko ng sobrang diin ang mga mata ko nang marinig ang putok ng baril, hinihintay ko ang pagtama ng bala ng baril sa katawan ko dahil sa akin ito nakatutok.

Napakunot ang noo ko nang wala akong naramdamang masakit sa katawan ko at wala rin akong naramdaman na bala ng baril na tumama sa akin kaya unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang nakatalikod na babae. Base pa lang sa hulma ng katawan nito ay kilalang kilala ko na.

"Hazelyn?" nanlaki ang mga matang sambit ko sa pangalan habang nakatingin kay Hazelyn na nakatalikod sa akin

Nabaril siya. Isinalba niya ang buhay ko. Itinaya niya ang buhay niya para sa akin. Hindi! Hindi pwede ito! Hindi pwedeng mam*tay ang fiancee ko.

Halos sasabog na ang puso ko at tumigil ang takbo ng oras sa paligid nang makita kong unti-unting napaluhod si Hazelyn bago ito tuluyang bumagsak sa sahig kasabay nang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa babaeng importante sa buhay ko. Agad kong tinanggal ang pagkakatali ng mga kamay at paa ko bago nilapitan si Hazelyn na nakahiga na sa sahig. Iniangat ko ang ulo niya at inihilig iyon sa bisig ko.

“Hazelyn?” kinakabahang sabi ko nang makita kong nakapikit ang mga mata niya. Bahagya kong tinapik ang pisngi niya na ikinamulat niya. Napatingin ako at napahawak ako sa tama ng baril na nasa tapat ng puso na walang tigil sa pagragasa ng dugo mula roon na ikinaluha ko. “Hon, bakit mo ginawa iyon?” naluluha kong tanong na ikinatingin niya sa mga mata ko bago pilit na ngumiti at nanghihinang iniabot niya ang mukha ko.

“H-Hon... tatandaan mo... gagawin ko ang lahat... para sa’yo,” nanghihinang sabi niya na ikinatulo ng mga luha ko, sobrang sakit sa akin na makita siyang ganito nang dahil sa akin.

Ngayon na lang muli ako umiyak at nakaramdam ng takot na mawalan ng importanteng tao sa buhay ko simula nang mawala si Papa.

"Hazelyn, huwag kang susuko, dadalhin kita sa hospital. Hold on, please!" napaiyak kong sabi habang pilit na pinipigilan gamit ang palad ko ang walang tigil sa paglabas ng dugo niya mula sa tama niya sa tapat ng puso niya kung saan nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok nito.

"You don't have to... Hindi rin ako makakaabot. Sabihin mo na lang kanila Mom, Dad, Mamila at sa mga kaibigan ko... na mahal na mahal ko sila," nanghihinang sabi niya habang tumutulo ang mga luha niya na ikinailing ko at hinawakan ko ang kamay niya kahit puno ng dugo niya ang palad ko.

"Hazelyn, hindi! Huwag mong sabihin 'yan! Hindi mo kami pwedeng iwan! Mabubuhay ka pa!" sigaw ko habang nanlalabo ang paningin dahil sa mga luha kong hindi maampat sa pagbagsak.

"Jerome...Hon, isa lang ang gusto kong sabihin ngayon... Mahal na mahal...kita." nanghihinang sabi niya hanggang sa hindi ko na narinig ang huling katagang sinabi niya dahil unti-unting napapikit ang mga mata niya at tuluyang nawalan nang malay sa mga bisig ko na ikinailing ko ng sunod-sunod.

"Hindi! Hindi pwede! Hazelyn! Hindi mo ako pwedeng iwan! Hon!" humahagulgol kong sigaw bago niyakap siya nang mahigpit.

"Please, Hazelyn, wake up! Wake up, please, gumising ka! Gumising ka, Hazelyn, 'wag namang ganito. Hon!" paulit-ulit na bigkas ko habang pinipisil ang kamay nita ngunit wala akong naramdaman na responde.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon