Chapter 4: Friendly Date

515 156 2
                                    

CHAPTER 4: Friendly Date

DAYS LATER...

NAPAHINGA ako ng malalim nang sa ilang beses kong pag-asinta sa gitnang bahagi ng target board ay hindi ko makuhang tamaan iyon sa bawat tira na gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit out of focus ngayon ang utak ko nitong nagdaang araw.

Inilapag ko ang pana sa lamesang nasa gilid bago ko sinalinan ng wine ang wine glass ko na wala ng laman. Sumimsim ako doon habang nakatingin sa target board para pag-aralan ang tamang pag-asinta. Kanina pa ako nandito sa training room after ng class ko para magpractice habang umiinom ng wine na halos mangalahati na ang laman ng bote.

Pasado alas-singko na ng hapon at mahigit dalawang oras na ako dito at bilang lang sa daliri ang mga palasong naasinta ko sa gitna ng target board. Ang ibang tira ko kasi ay lumihis dahil nga out of focus na naman ako lalo na kapag naalala ko ang nangyaring pagdampi ng labi ni Jerome sa labi ko last week na parang sirang palakang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko.

Napasapo ako sa labi ko dahil pakiramdam ko nakadampi pa rin ang labi ng lalaki doon iyon sa akin.

"Ang lambot ng labi niya." mahina at wala sa sariling usal ko pero napailing ako ng marealize ko kung ano ang sinabi ko. My Gosh! Hazel, stop thinking like that!

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang isang pamilyar at malalim na boses ng lalaki sa likod ko.

Nang lingunin ko ay laking pagsisisi ko ng makita ang lalaking ilang araw ko ng iniiwasan dahil sa nangyari noong nakaraan pero kahit anong gawing iwas ko ay palagi pa rin nagtatagpo ang landas namin dahil nasa iisang eskwelahan lang kami, pareho rin kami ng schedule ng klase at nasa parehong classroom rin kami kaya malabong maiwasan ko siya.

"Paki mo ba?" pambara ko at inikutan siya ng mata bago siya talikuran at muling ibinalik ang atensyon ko sa target board. Napasapo ako sa dibdib ko sa tapat ng puso ng maramdamang ang pagbilis ng pagpintig niyon na parang gustong kumawala sa loob ng dibdib ko.

"About what happened last week..." panimula ng lalaki pero hindi ko pa rin siya nililingon habang simisim ng wine pero pinakikiramdaman ko siya sa likod ko at ang dalawang tenga ko ay nakikinig sa kanya. "I'm sorry if I kissed you without your permission, Hazelyn."

"Wala ng magagawa ang sorry mo kung ninakaw mo na ang unang halik ko." mahinang sabi ko pero mukhang narinig niya.

"First kiss mo iyon?" turan niya at nabigla ako ng hawakan niya ang kanang balikat ko at iniharap ako sa kanya kaya nakita ko ang nakakaasar niyang mukha na nakangisi habang nilalapit niya ang mukha niya sa akin na ikinalunok ko. At kahit na naiirita ako sa nakangising mukha niya ay mas nagwala ang puso ko dahil sa gwapo niyang mukha na halos isang dangkal na lang ang layo sa akin.

"A-Ano naman sa'yo kung first kiss ko nga iyon?" nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.

Muli akong napalunok ng mas ilapit niya pa ang mukha niya sa akin kaya halos maduling na ako dahil nakatingin ako sa abo niyang mga mata na nakatingin rin sa akin.

"So, ibig sabihin ba niyan ay hindi ka pa nagkakaboyfriend?" nakangising sabi niya at halos manghina ang kalamnan ko ng maamoy ko ang mabango niyang hininga habang nagsasalita siya. Gusto ko siyang itulak para lumayo sa akin dahil parang hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya sa akin pero ayaw makisama ng kamay ko o kahit ang mga paa ko ay ayaw rin makisama para umatras man lang sa kinatatayuan ko.

Our Playful Destiny [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon