● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE ●
CHAPTER 5
"Nakakapagod naman"-saad ni Aivann, at parang huminga pa ito ng malalim at nahiga sa sofa. Nakauwi na kami sa bahay, tsk.
"Mabuti pa apo, bantayan mo na ang tindahan. Magluluto ako pananghalian natin"-saad ni lolo at pumasok na ito ng kitchen.
"Hoy lalaki!"-ako at lunapitan si Aivann na nakahiga sa sofa.
"Bakit nanaman! Pagod pa ako"-turan nito at napakamot pa sa ulo.
"Sumunod ka sakin, sa bahay na ito ako ang batas. Sa school naman..."-i said at tinitigan ang mukha ni Aivann. "Ako pa rin, wala akong pakialam kung officer ka pa. Tara na"-pag aya ko pa rito at naglakad patungo sa tindahan namin, napakamot kamot na lang si aivann na sumunod sakin.
"Ano nanaman bang ipapagawa mo?"-tanong nito na parang walang gana.
"Ituturo ko sayo at sasabihin ang bawat presyo ng mga products na nandito. Para pag pareho kaming may ginagawa ni Lolo, ikaw ang magbabantay. Pero kung ayaw mo naman, dapat lumayas kana."-i said at dinuro-duro pa nito ng hawak kong ballpen.
"Oo na, kung hindi ka lang apo ni Lolo Gaspar. Sinakal na kita"-he mormored.
"May sinasabi ka ba?"-nakataas na kilay na tanong ko rito. "Narinig ko yun!"-i added.
"Narinig mo pala, nagtanong ka pa."-pamimilosopo niya pang sagot.
Hindi na ako nakipag talo pa kay Aivann, tinuro ko na ang dapat ituro sa kaniya. Madali niya naman mamemories kasi matalino naman daw siya.
"Ang pogi naman ng boyfriend mo Abby"-sabi ng tsismosa naming kapit bahay ng bumili ito ng softdrinks.
"Hindi ko ho boyfriend yan, ang boyfriend ko nasa màlayong lugar."-saad ko rito.
"Sigurado ka?"-tanong naman nung isa pang tsismosa habang tinitignan pa nila si Aivann na busy magmemories nung mga prize ng tinda namin.
"Oo naman, hindi kasì ako pumapatol sa mayabang at walang modong lalaki. Gusto ko kasi sa mga lalaki yung Caring at mapagmahal na lalaki katulad ng boyfriend ko"-sabi ko at linakasan pa ang boses ko, sandaling sumulyap samin si Aivann, at balik ulit sa binabasa niya.
"Mabuti pa ipakilala mo siya samin, naku araw araw na talaga akong bibili rito kahit maghapon pa"-sabi naman nung isang tsismosa na medyo dalagita pa.
"Bata ka pa ineng, mag aral ka muna. Bago lumandi, tiyaka may girlfriend na ang lalaking yan. Hindi ko nga alam kung bakit may pumatol sa kaniya."-i said at nagtawan naman sila kaya nakitawa na rin ako na parang baliw.
"Kahit sino papatol sa kaniya Abby, ganiyan ba naman kagwapo hindi ko na papakawalan"-sabi pa ni manang at hindi maalis ang tingin nila kay Aivann,
"Manang, may asawa kana. Wag ka ng kikiringking pa, masama yun"-i said at nagtawan ulit kami na parang tanga.
Maya maya pa, pagkatapos ng walang kwentang usapan nila. Umalis na rin sila.
Lumapit ako kay Aivann, nakaupo sa may kahera namin.
"May boyfriend ka pala?"-tanong nito na parang hindi naniniwala. I nodded. "Buti na lang may pumatol sayo, sa ugali mo ba naman na backstabber ka at walang mòdo. Malamang maghihiwalay kayo agad, kawawa naman ang boyfriend mo"-sabi pa niya at napailing iling pa.
"Okay lang yun, pwede ko nga siyang ibreak anytime eh. Hindi naman kasi siya importante sa buhay ko."-i said.
"Laruan lang ba ang lalaki para sayo? Ganiyan ka ba talaga?"-tanong pa nito at napairap pa.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...