● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
CHAPTER 32
AFTER FEW DAYS.
Sa nakalipas na ilang araw, medyo okay naman kami ni Aivann. Medyo lang, dahil minsan cold ako sa kaniya at walang gana makipag usap.
Tuwing iniisip ko kasi na ang dad ni Aivann ang dahilan kung bakit kami iniwan ni mama noon. At ang mama ko rin ang dahilan kung bakit iniwàn si Aivann at ang mama niyang may sakit.
Kanìna pa ako nakatitig sa huling message ni Aivann, na hindi ko alam kung ano ba ang erereply ko sa kaniya.
"Abby, okay ka lang?"
Bumalik ako sa huwisyo ng magsalita si Charlie na seatmate ko this class. Tinago ko na lang ang phone ko at umiling sa kaniya.
"So, hindi ka nga okay."-saad nito.
"Huh? Umh. Okay lang ako noh. Medyo may iniisip lang ako about sa grades ko."-palusot ko na lang rito.
"Okay lang yan, magaling ka naman Abby. Kaya kaya mo naman mabawi ang grades mo this semester."-he said while his smiling at me.
"Sana nga."-i said at pilit na ngumiti kay Charlie. After dismissal, sabay kaming lumabas ng classroom at naglalakad sa hallway. Pupuntahan namin si Carlos at Hannah na nasa garden na ngayon.
Kung hindi ko lang nakilala si Aivann, baka si Charlie ang naging boyfriend ko. Napakabait kaya ni Charlie, matured siya mag isip hindi tulad ni Aivann na parang bata umasta minsan.
Pero kahit na ganun si Aivann, mahal na mahal ko pa rin naman siya. At hindi ipagpapalit kanino man. Siyempre, pag mahal mo dapat tanggap mo.
Pareho lang naman kaming isip bata minsan eh. Kaya kwets lang kami sa bagay na iyon. Hindi lang talaga kami magka level sa kinatatayuan namin ngayon.
Lalo na't ang mama ko ang sumira sa pamilya niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman niya pag nalaman niya na step mother niya ang mama ko.
Nasa garden na kami ni Charlie habang yung dalawa kumakain ito.
"Aminin niyo nga samin, kayo na ba?"-tanong ni Hannah. Nakaupo kaming apat sa damuhan ng garden. Napatingin pa sakin si Charlie at ngumiti.
"Hindi pa ready si Abby sa more than friends eh."-sagot naman ni Charlie.
"Hay naku, mabuti pa Carlie. Ayain mo na lang si Abby na maging Date mo sa Grand Ball natin"-said Hannah na tila kinikilig pa ito.
"Ball? Kailan yun?"-tanong ko.
"Febraury 25 ata, ilang days na lang. Teka, hindi mo ba alam yun, event natin yun na Juniors at seniors.-said Hannah. Umiling nama ako.
"Hindi eh, wala akong alam sa ball na yan. Kaya hindi rin naman ako pupunta."-i said. Wala man lang sinabi sakin si Aivann na may Ball pala.
"Balita ko nga, kung sino yung masspott na Queen of the night, makakasayaw niya si Aivann at may chance na magdinner together. Kaya sana ako na yun."-said hannah at medyo tumitili pa ito.
Ah kaya naman pala hindi sinabi sakin, dahil makikipag sayaw siya at dinner sa Queen of the night. Kaya naman pala. Tsk.
"Sure ka na ganun nga ang mangyayari, eh may Jowa yun eh. Pumayag ang Ssg President?."-Carlos na parang hindi pa makapaniwala at tumingin ito sakin.
"Of course, kaya bobonggahan ko ang suot ko this coming Ball. Masquarade ball tayo for this year eh. Kaya exciting talaga."-Hannah.
"Ano Abby, aatend ka ba? Para naman may kausap ako sa gabing iyon."-Charlie. Napakamot pa ako sa batok ko. Tsk. Saan naman ako kukuha ng susuutin ko, wala naman akong pera para don.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...