CHAPTER 67

698 33 4
                                    

● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●

Author: Binibining Nadya

CHAPTER 67

ABEGAIL'S P.O.V

"Mommy, where's daddy? Why he's took so long from work?"-tanong ni Sabbinna. Habang kumakain ito ng chocolate na tinda ni Lolo at kaming dalawa ang nagbabantay kasi kalaro ni Lolo yung dalawang boys.

"Baka, hindi pa siya tapos sa work anak. Baka bukas nandito na yun. Miss mo na ba siya?"-tanong ko rito. Nakakandung ito sa akin. Tumango tango naman siya.

"When i grow up, i want to be like Ate Nadya."-she said.

"Why are you want to be like Ate Nadya?"-nagtatakang tanong ko rito.

"She's a writer Mom, i want to be a writer in the future. So that daddy won't get tired from work. So, that his back doesn't hurt every time he comes from work."-saad niya habang patuloy na sumusubo ng chocolate. "Then I will buy a big house and a new car for daddy"-dagdag pa nito.

Gusto ko maiyak sa mga sinabi ng anak ko, for Aivann. Pati siya nakikita at nararamdaman niya ang hirap at pananakit lagi ng likod ni Aivann. Tapos, gaganunin ko lang ang asawa ko habang ang anak ko naman maraming pinaplano na ibibigay niya sa daddy niya.

"Baby, you don't need to that for. Okay na samin ng daddy mo na makita kayong masaya, malusog at mabait hanggang sa paglaki."-i said. Napakabata pa niya para isipin ang hinaharap.

"Bading, may Chicka ako sayo."-si Carlos na kakarating lang nito. At pumasok sa loob ng tindahan. Bunba naman si Sabby at bumeso ito sa tita niya at nadikitan pa ng chocolate ang mukha ni Carlos.

"Duhhhhh!"-reklamo ni Carlos at tinawanan lang ni Sabby at tumakbo ito palabas ng tindahan. Pinunasan naman ni carlos ang mukha niyang nadumihan.

"Ano nanaman ba ang dalang tsismis mo?"-tanong ko rito.

"Yung asawa mo, na hospital pala dahil sa sobrang puyat at naulanan daw kagabi."-mahinang saad ni bakla. Bahagyang napaawang ang mata at bibig ko.

"Really?"-napatayo pa ako sa kinauupuan ko.

"Oo naman, nakita ko kanina si Harry at Kierra. Sila ang nagchick sakin, tapos yung lolo daw ni Aivann nagising na sa pagkaka Coma at napuyat si Aivann kakabantay doon."-pagkukwento ni Carlos at humablot pa ito ng nakasabit na malaking tsitseriya, binuksan at kinain.

So kaya ba hindi nakapunta agad dito si Aivann, ay dahil may emergency sa lolo niya. Tapos na hospital pa siya ngayon dahil sa ulan kagabi at walang tulog.

"Sa tingin ko bading, kailangan mong puntahan ang asawa mo at isama mo na rin yung tatlong bata. Kasi gusto na daw yan makita ng Lolo ni Aivann."-Carlos said. Napabuntong hininga pa ako.

Tsk. Kasalanan ko ito eh. Hindi ko man lang siya pinag explain kagabi.

Maya maya pa, nagbihis na ako ata ang mga bata. Isasama ko sila sa Hospital, para makita sila ni Lolo Andres. Nasa Kwarto at inaasikaso ko ang mga dadalhin ko ng dumating si Evanna na umiiyak at humahagolhol.

"Ateee! Huhuhu!"-Lumapit ito sakin at yumakap sakin. "Si kuya Aivann. Huhuhu."-bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.

"Evanna, anong nangyari sa kuya mo?"-parang kinakabahan ko pang tanong. Nakalukot ng husto ang mukha niya.

"Si Kuya, inaway niya ako. Kasalanan ko daw kung bakit kayo nagkahiwalay, diba hindi naman kayo nagkahiwalay?"-tanong pa nito habang humihikbi. Naupo naman kami sa gilid ng kama.

"Palagi niya sinasabi sakin noon na s-sampid lang daw kami ng mama ko sa bahay nila tapos kanina sinabi niya ulit yun. Huhuhu. Ayaw ko na siya maging kuya, palagi niya na lang akong inaaway.*sob* Hindi niya raw ako kapatid! Dahil iba daw ang nanay ko! Huhuhu. Dahil daw sa mama ko n-namatay ang mommy niya,*sob&* tapos ngayon dahil daw samin ni mommy hiniwalayan mo siya."-humihikbi na pagkukwento niya habang patuloy na umaagos ang luha niya.

MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now