CHAPTER 4

1.4K 47 1
                                    

● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE ●

CHAPTER 4

****

"Nandito rin pala ang mga school mate natin"-Carlos, habang tinitignan nito ang nasa medyo kalayuan na table. Kaya sinulyapan ko rin ito. Medyo nasamid pa ako ng makita si Mr. President. Nandito kasi kami ngayon sa isang bar, siyempre para mag celebrate. Two weeks kaming walang pasok dahil tapos na ang midterm exam namin.

"Ang gwapo niya talaga noh, kaya crush na crush ko siya eh"-said Hannah habang nakatingin ito sa pwesto nina Mr. Prsident.

"Huh? alin ba jan sa kanila ang crush mo?"-i ask.

"Marami ka ng nainom bading, sa tingin ko kailangan na nating umuwi"-Carlos. Ilang oras na kaya kami ditong umiinom.

"Basta, gustong gusto ko siya. At siya na ang lalaki na para sakin"-sabi pa ni Hannah at tinungga nito ang natitirang laman sa bote ng wine.

Kahit ako medyo lasing na rin, dumudoble na rin ang paningin ko.

"Mabuti pa nga, umuwi na tayo"-i said. Kaya inalalayan na ni Carlos si Hannah na tumayo. Then naglakad na kami palabas ng bar, na medyo pahasay hasay na sa paglalakad.

Nakalabas kami ng bar. Habang nag aabang ng taxi.

"Mabuti pa Carlos, ihatid mo na si Hannah sa kanila. Uuwi na langa ko mag isa. Ayan na ang taxi oh"-i said at pinara ang paparating na taxi. Huminto naman ito sa tapat namin.

"Are you sure? Sumabay kana lang kaya?"-Carlos.

"Wag na, tiyaka malayo pa ang bahay namin kina Hannah. Kaya kayo na ang mauna, baka mapagalitan pa yan ng magulang niya. Mag aabang na langa ko ng taxi"-i said.

"Okay. Mag ingat ka ah"-bilin pa ni Carlos, at pinasok niya sa loob ng sasakyan si Hannah. Sumakay na rin siya, kumaway pa ako bago ito umandar paalis.

Medyo nahihili na rin ako, kaya napaupo ako sa ma gilid ng kalsada. Bago pa ako matumba.

"Lasingga ka talaga na babae ka!"-rinig kong boses sa may tapat ko, liningon ko ito. Pero hindi ko masiyado makita ang mukha niya dahil medyo blured ang paningin ko at parang dalawa na ang ulo niya.

"Hoy! Wala kang pakialam kung lasingga ako.!"-i said at dinuro duro pa siya.

"Next time naman, ingatan mo ang sarili mo lalo na sa mga taong rapisť."-rinig ko pang saad niya.

KINABUKASAN.

Nagising na ako sa sobrang bigat ng pakiramdam ko at masakit ang ulo ko. Yinakap ko ang katabing unan ko, but..

Bakit parang matigas? Pinilit kong idilat ang mga mata ko kahit masàma ang pakiramdam ko.

Sa sobrang gulat ko, napalikwas ako mula sa pagkakahiga at medyo nataranta. May katabi akong lalaki sa kama ko at wala ring damit.

Napatingin ako sa katawan ko. Wala na akong damit, tanging undergarments na lang ang suòt ko.

"AHHHHHH!"-Sigaw ko sa sobrang ìnis. Kaya napabangon naman yung lalaki na katabi ko na kanina ay yakap yakap ko. Agad ko itong sinabunutan.

"Walang hiya ka, papatàyin talaga kita bweśìt ka!"-nanggigigil kong saad habang sinasabunutan ito.

"Aray! Ano ba! Teka! Aray!"-daing niya, nabitawan ko naman ang buhok niya at ulo ng makita ko ang pagmumukha niya.

"Wha the hèll? Ikaw?!"-bulalas ko at napatingin siya sa katawan ko, kaya agad ko itong tinakpan ng kumot. "Bastòs Ka! Walang hiya!"-sigaw ko na sobra sobra ang galìt ko.

MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now