● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 61
HANNAH'S P.O.V
Nagising ako sa lakas ng kalabog na nagmumula sa labas ng bahay.
Teka.?
Napabangon ako at nasa tabi ko si Charlie at tulog pa ito.
Nandito na kami sa bahay nila.?
Bumaba ako mula sa kama at nagtungo sa terrace ng kwarto at tinanaw ang mga kalabog mula sa labas ng bahay.
Wow, may parade pala dito. Namamangha naman akong pinanood iyon.
Nagmadali ako lumabas at nasa second floor pala ito. Nang makalabas ako ng gate, anadun ang mama at papa ni Charlie pati na rin si Kierra at Harry. Habang natatanaw ko si Aivann at Abby na naglalakad patungo rito.
Mga drumers pala yung kalabog at may mga majorettes pala na nagpapaikot ng baton.
Teka? Parang kilala ko yung leader ah.
"Go wifey!"-napalingon ako sa may tabi ko at si Charlie na halatang kakagising lang at chinicheer pa ang wifey niya na leader ng majorettes.
Oo nga po, si Bb. Nadya ang leader. Ang galing niya mag paikot ng baton habang dalawahan pa ito. Magkabilang kamay mga hawak na baton habang pinapaikot mg mabilis at medyo kumekembot pa.
Ganito pala sa province nila. Parang ang sarap manirahan dito ah.
Marami rin ang naka costume ng pang cosplay. Yung pang mobile legends Hero yun ang mga costumes nila. Masayang masaya si Charlie na pinapanood ang Wifey niya. Habang naka black suit at di ko alam ang tawag sa suot nila. Basta, sexy silang lahat sa suot nila.
Lumapit naman sakin si Abby at nagbeso beso kami.
"Buti naman nakarating ka dito"-Abby said.
Buti na nga lang sinama ako ni Charlie eh. Tulog ako buong biyahe, tapos paggising ko nasa kwarto na ako ng bahay nila at katabi pa siya.
After ng parada sa labas, pumasok na kaming lahat sa loob.
May kainan din pala dito, sa bagay fiesta eh. Tanghali na pala yung gising ko.
Pero gutom na ako, at kailangan ko ng kumain. Lalo na't may lechon na nakahain sa mesa. Siyepre, pumapak ako ng balat nun. Simula nung nabuntis ako, palagi na lang akong gutom.
"Abby, wag masiyadong kumain ng karne. Hindi pwedeng highblood ang buntis."-paalala pa ni Aivann habang magkatabi kami ni Abby at si Aivann nakatayo sa may likod ni Abby.
Ang sweet naman nila. Ang sweet talaga ni Aivann kahit kailan.
Si Charlie kaya, kausap niya ngayon si Harry. Bakit parang close sila ni Harry? Sa bagay, jowa yan ng kapatid niya.
Pinapak ko na lang itong balat ng lechon, mamaya pa naman darating ang mga bisita nila eh.
"Hannah, wag kang masiyadong kakain ng karne. Baka pati baby mo, tumaba."-Charlie voice.
Medyo napanganga pa ako habang sinusubo ang balat ng lechon ng lingunin si Charlie na nasa gilid ko na pala.
"Huh?"-tanong ko sa kawalan. Sweet din naman pala siya eh. Sweet naman talaga yan si Charlie eh.
"Tama na yan, baka tumaas BP mo dahil sa karne."-saway pa niya sakin ng isubo ko ng tuluyan ang balat ng lechon.
Naupo pa siya sa tabi ko, at linagyan niya ng dessert ang plato ko. It's leche flan. Leche and lechon. Parang pareho naman nakakahigh blood ito eh.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...