● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining NadyaCHAPTER 8
Si Aivann lang naman yung sinasabi niya na crush na crush niya, si Hannah ang tipong gagawin ang lahat makuha niya lang ang gusto niya.
Kaya mas mabuti pang wag na lang sabihin sa kaniya ang tungkol samin ni Aivann. At baka maging awkward kami sa isa't isa. Si Aivann pala ang tinutukoy niya na crush niya na taga engineering department.
After naming makapag enroll for second semester. Nauna nang umuwi si Hannah, habang si Carlos nagtungo pa kami sa department store.
"So ano bang balak mo? Mukhang magkaribal kayo ni Hannah sa iisang lalaki"-said Carlos. Napairap naman ako sa sinabi niyang magkaribal.
"Tsk, eh hindi ko naman gusto si Aivann. Kung gusto niya sa kaniya na. Sa rp world lang naman kami may relasiyon."-i said, habang nandito kami sa mga nail polish section.
"Kahit na, pero ikaw ang gusto ni Aivann. Hindi si Hannah."-Carlos . Tsk!
"Si Aithiennia ang gusto niya hindi si Abegail. Magkaiba yun, tiyaka hindi naman malayo na magkagusto si Aivann kay Hannah. Bagay naman sila"-i said habang pumipili ng magandang pang cutics sa kuko ko.
"Hay naku!"-Carlos at hapairap pa ito.
"Mas bagay sila at hindi ako. Tiyaka, wag ka ngang ganiyan. Para kasing pinapalabas mo na binabackstabb mo si Hannah. Kaibigan natin siya, kaya kung anong gusto niya support natin."-i said. Mas bagay naman talaga sila, bukod sa mapera sila, pareho pa silang anak mayaman.
Kung kami ni Aivann, sobrang layo namin sa isa't isa. Tiyaka hindi ko pinangarap ang mayaman na lalaki. Sapat na sakin yunh mahal ako at hinding hindi iiwan kahit kailan.
Gabi na ako nakauwi sa bahay, may mga pinuntahan pa kasi kami ni Carlos. Siyempre kailangan sulitin ang sembreak, kasi nextweek may pasok nanaman for second semester.
Si Aivann ang nasa tindahan, habang may kung anong ginagawa na lay out sa papel.
Linapitan ko naman siya.
"Enrolled kana?"-he ask na hindi lumilingon sakin.
"Halata ba?"-ako, napalingon naman siya sakin at inerepan ko siya.
"Oo nga pala, bati na kami ng girlfriend ko. Kaso pinapaiwas niya ako sayo eh.-sabi niya habang nakangiti pa ito.
"Ako rin, nextweek magtatanan na kami ng boyfriend ko. I mean, magkikita kami. Kayo magkikita na ba kayo ng rpw na jowa mo?"-nakataas na kilay na tanong ko rito. Napaiwas naman siya ng tingin sakin.
"Bakit mo ba kasi pinakialaman ang phone ko?"-tanong niya at sandaling sumulyap sakin.
Lumàpit ako sa ref at kumuha ng softdrinks, binuksan ito at uminom.
"Alam mo, kung ako sayo. Tigilan mo na ang kabaliwan mo sa rpw na jowa mo. Anong klaseng relasiyon meron kayo, eh hindi mo nga alam kung ano ang tunay na mukha niya. Para kang may sira sa utak, matalino ka pero hindi mo ginagamit."-i said at linisan ang store, pumasok ako sa bahay namin.
Hay naku! Para tigilan niya na rin ako. Para naman hindi kami magkaroon ng problema ni Hannah.
Ayoko na ganito, alam ko magagalit si Hannah kapag nalaman niya na jowa ko si Aivann sa rp world.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, may tumatawag sa messenger ko. Tinignan ko ito. Hay naku naman, nagvivideo call si Aivann sa rp account ko.
After magring, nagchat siya.
"Gusto ko makipagkita sayo, gusto ko patunayan sa mga tao na totoo ka at hindi ako nasisiraan ng ulo."-Harrizx.
Nakakainis kana ah. Nagtype naman ako habang sobrang naiinis. Ayoko sa lahat ang kinukulit ako.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...