● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 57
ABEGAIL'S P.O.V
"Abby, sila ang naggagwapuhan kong tito's. Pero siyempre, hindi ko ipapatalo ang lahi namin."-Aivann habang pinapakilala sakin ang mga kararating niya pa lang na tito's. Na principal ng school namin na si Sir Cyriel Escudero at ang isang gwapong Prosecutor na si Mark Sheon Fuentebella.
Hindi naman na makakaila na mga lahing gwapo nga sila. Sa kanila din kaya nagmana si Aivann ng pagiging mahilig sa kama.? Tss.
"Salamat po sa pagpunta Tito's"-medyo nahihiya ko pang saad. Hayss, nakakahiya talaga. Lalo na't mga pogi ang nasa harap mo.
"Aivann, nandito ba si Bb. Nadya?"-tanong pa ni tito Sheon. Nagkatinginan pa kami ni Aivann. Pati si Bb. Nadya kilala niya.
"Hello, my Dear Sheon."-si Bb. Nadya na kakagaling lang sa elevator. Nasa tapat kami ng elevator sa first floor. Habang yung mga kaibigan namin, nakiki tsismis lang sa may gilid.
Pati si Bb. Nadya kilala nila?
Nagbeso beso pa sila ni tito Sheon na parang close na close talaga sila.
"Well, Client ako dati ni Sheon. Baka isipin niyo, kabit niya ko. No! No!"-Bb. Nadya said while chuckled.
"Sino ba ang sunod na dadalhin mo rito, Bb. Nadya.? Baka naman lahat na nagtatanan dito pumupunta?"-Tito Sheon at wagas sila magtitigan ni Bb. Nadya. May something ba sa kamila.
"Wag mo kong tinitignan ng ganiyan! Para keng sere."-Bb. Nadya said habang kinikilig ito. Tito Sheon just chuckled.
"Sa tingin ko Aivann, hindi pa talaga nagbabago ang tito Sheon mo. Malandi pa rin hanggang ngayon."-rinig kong bulong ni Principal Cyriel kay Aivann. "Wag mong gagayahin ang tito Sheon mo."-paalala pa nito kay Aivann. Tumango tango naman si Aivann.
HANNAH'S P.O.V
×××××
Kanina pa ako gusto mamatày dahil sa inggit, nasa Garden na kami ng BNS Apartment. At dito rin ang reception ng wedding nina Aivann at Abby. Official na mag asawa na sila, isang simpleng kasal sa simbahan pero pareho na silang masaya.
Masayang nagkukwentuhan sa tabi ko si Carlos at Charlie pati na rin si Harry at Kierra. Habang sina Abby naman, kausap nito ang owner ng Garden at yung mga tito ni Aivann.
Nakakainggit ka Abby, siguro karma ko ito. Ang ma inggit na lang habang buhay sa ibang tao.
Kanina pa kami nagkakailangan ni Charlie, hindi nag uusap or nagngingitian man lang. Ngumingiti ako sa kaniya, pero hindi miya magawang ngumiti ng pabalik sakin.
Ako na siguro ang pinakamalas na babae sa balat ng lupa pagdating sa pag ibig. Karma ko ito dahil sa ginawa ko kay Harry noon.
Nakahanap agad siya na mamahalin niya, kahit na isip bata pa ito. Masaya sila na nag uusap ni Kierra, minsan naman hinahalikan pa niya paminsan minsan si Kierra.
Kanina mag kaaway lang sila, dahil sa sinabi ni Carlos kay Kierra. Pero nagkabati din agad, dahil hindi naman totoo na naging sila ni Carlos.
Tumayo naman ako at naglakad patungo sa naka buffet, para kumain ng Dessert.
Ikain ko na lang ito kaysa sa mainggit ako ng husto sa kanila.
"Baka tumaba ka niyan?"
Napalingon pa ako sa may gilid ko, it's Kierra. Hayss, andito nanaman itong istorbo na ito.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...