● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
CHAPTER 25
AIVANN'S P.O.V
"Aivann, buti naman at naisipan mong dalawin ako rito."-nakangising saad ng Dad ko.
"Si Lolo ang sadya ko rito hindi ikaw."-medyo cold kong saad kay Dad.
"Wag ka naman bastos sa daddy mo."-saad nito at tinapik tapik pa ng mahina ang balikat ko.
Ay naku naman, iniwan ko kang sa kotse si Abby kasi ayaw niya naman tumuloy at di pa raw siya ready makilala itong matandang hùklùban na ito.
"Ano naman ito."-saad niya at inagaw ang envelop na hawak ko. Napakamot na lang ako sa batok ng buksan niya ito.
"Are you out of your mine?"-tanong nito at seryosong nakatingin sakin. "Wala naman tayong lahing baog, bakit kailangan mo pa magpatest."-he said then smirk."Hon, hayaan mo na si Aivann."-si Tita na kakakgaling ng Kitchen at inagaw pa nito ang Envelope kay dad na result ng Sperm test ko. Binigay ito sakin ni tita.
"Balita ko may Girlfriend kana daw sabi ni Papa.? Pwede mo ba ipakilala samin?"-tita Eva habang nakangiti ito.
"Yes, totoo po yun na may girlfriend na ako. Yung babaeng gusto ko or mahal ko."-i said at pinagdiinan ang pagkasabi ko ng Gusto or Mahal. "But, hindi ko po siya maipakilala sa ngayon sa inyo. Puntahan ko lang po si Lolo."-i said at naglakad paakyat ng hagdan. Malamang nasa library niya ito.
Nasa library na ako lolo, pinakita ko sa kaniya ang result ng test. Siyempre, ngiting ngiti si Tanda.
"Pano ba yan Tanda, hindi ako baog. Kaya mag set ka na ng kasal namin ni Abby."-i said. Napatayo pa si Lolo mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair niya.
"Sigurado ka jan aking apo? Magpapakasal na kayo ni Abby?"-tanong nito na parang hindi makapaniwala. I nodded.
"Oo naman."-i said. Napahalakhak naman si tanda habang pumapalakpak ang mga kamay nito.
"Wag ka mag alala, ako ng bahala sa lahat. Pero magpapakasal ngayong taon ang dad at tita mo para sa kanilang 12th wedding anniversarry."-said lolo.
Hayss. Bakit pa sila magpakakasal ulit, eh matagal ng kasal dami pang kaartehan.
"Mamili ka na lang Lolo, kasal namin ni Abby or kasal ng anak mo na matanda na at hindi na magkakaanak pa."
Medyo natawa naman si Lolo sa mga tinuran ko.
"Yan talagang bibig mo walang preno minsan. Kakausapin ko sila, tungkol don. Oo nga naman, matatanda na ang haharot pa."-saad pa ni tanda.
"Pahingi na lang ako ng Pera, wala akong pandate kay Abby eh."-i said at linahad pa ang palad ko rito. Ngiting ngiti naman si lolo at napapailing na lang ng ulo.
"Basta galingan mo aking apo, alam mo naman tumatanda na ako."
"Matagal ka ng matanda lolo. Kaya ibigay mo na lang ang pandate namin ni Abby."-napairap lang si Lolo at may kinuha ito sa drawer niya. At may inabot sakin na Sobre.
"Iabot mo yan kay Gaspar, bayad ko sa pag aalaga niya sayo."-saad nito habang nakangiti at naupo na sa swivel chair niya. Ibig sabihin alam niya na don ako nakatira. "At ito naman para sa date niyo, dalhin mo sa mamahaling hotel si Abby."-saad nito na kinairap ko.
"Lolo, hindi po ganun si Abby na basta na lang bibigay tulad ng sinasabi niyo. Kaya asikasuhin mo ang kasal namin para magka apo kana sa tuhod."-i said at binilang pa ang laman nung sobre na para samin ni Abby.
"Okay. Fine! Humayo kana para makapag date na kayo ni Abby."-saad nito. Binulsa ko na yung sobre na may lamang pera. Tyaka lumabas ng Library office ni Lolo.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...