CHAPTER 47

691 38 0
                                    

● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●

Author: Binibining Nadya

CHAPTER 47

Sinisilip ko si Aivann sa may likod ng bahay namin na parang nahihirapan pa ito maglaba.

Hay naku, kakatamad naman talaga maglaba pag walang washing machine.

"Aivann, pagkatapos mo jan. Magluto ka ng haponan natin ah."

"Ano? Hindi ka ba marunong magluto at ako pa ang uutusan mo. Kita mong may ginagawa ako eh."-reklamo nito. Aba nagrèreklamo kang kupal ka.

"Sige, pagkatapos mo niyan. Lumayas kana rito ah, puro ka reklamo."-nakairap kong saad rito.

"Tsk. Utos ng utos, kala mo naman kagandahan."-he mormored.

"Anong sabi mo?!"-akmang lalapitan ko ito dahil sobrang naiinis ako sa lalaking ito.

"Uyyy, Aicann. Bukas kana maglaba, mag inuman muna tayo."-rinig kong saad ng kapit bahay namin at nakadungaw ito sa bintana. "Pinapahirapan ka naman masiyado ni Abby, dapat ang babae ang gumagawa niyan at tayong mga lalaki dapat nagsasaya lang lagi. Kaya halika na dito."

Aba talaga naman, bad influenece talaga ang mga kapitbahay noh.

"Sige, kuya punta ako jan mamaya."-Aivann.

"Sus! Ngayon na, wag kang papa under jan kay Abby. Isumbong mo sa lolo niya yan."-sabi pa ni manong at bahagyang natawa pa sila ni Aivann. Tsk. Magsama nga kayong dalawa na parehong walang kwenta. 

Pumunta na lang ako sa tindahan namin, para naman kumain ng gusto kong kainin. Busy si Lolo manood ng Kdrama sa sala.

May humintong sasakyan sa tapat namin at bumaba mula rito ang dad ni Aivann.

Teka, ano namang ginagawa niya rito? Naglakad ito papalapit sakin.

"Nandiyan ba si Aivann?"-seryosong tanong nito. Susunduin niya na ba si Aivann? Or kaya hindi niya papupuntahin rito?

"Uhmm."

"Actually, ikaw talaga ang sadya ko. Pwede ba tayo mag usap?"-he said seriously. Bakit parang kinakabahan ako sa kaniya.

Pumasok ito sa loob ng store namin.

"Ano po bang kailangan niyo sakin?"-tanong ko rito.

"Well, tulad ng dati ganun pa din ang sasabihin ko. Gusto mo uulitin ko? Hindi kita gusto para sa anak ko, dahil anak ka ni Eva. At hindi rin kita matatanggap bilang manugang ko or step daughter."-diretsang saad niya.

"Isang mayaman na babae ang gusto ko para sa kaniya at hindi katulad nito."-he said at linibot pa ang paningin sa loob ng store namin.

"Alam ko na yan, pero kung sakali na mayaman ako. Tatanggapin niyo ko para sa anak niyo, pero wag ho kayo mag alala. Dahil kung sakaling mayaman ako hindi ko rin gugustuhin na maging biyenan kayo. Pero sa tingin ko, si Aivann ang dapat niyong kausapin at hindi ako. Magkakaanak na kami at hindi niya hahayaan na magkahiwalay kami kaya nasayang lang kayo ng oras at laway para makumbinsi ako. Baka nga pag nalaman niya na kinakausap  niyo ako ng ganito, baka hindi niya na gustuhin na bumalik sa bahay niyo."-matapang at mahabang lintaya kong saad rito. At parang nainis pa ito sa mga sinabi ko.

"Umalis na kayo Sir. Nagsasayang ka lang ng oras dito."-i said habang nakataas ang kilay rito.

"Tsk. Kaya ayaw sayo ng mama mo, dahil walang modò ang pag uugali mo. Tama ka, pipiliin ka ni Aivann pero hinding hindi ka pipiliin ng nanay mo."-he said habang nakatingin ito sa mga mata ko. Naikuyom ko naman ang dalawang kamay ko.

MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now