● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 37
AIVANN'S P.O.V
"Aivann, hayaan mo muna si Abby."-pagpigil sakin ni tita Eva ng makita kong tumatakbo si Abby kasama si Carlos.
"But tita--"
"Kaipangan niya muna ng peace of mind ngayong gabi. Nakita mo naman kung anong nangyari diba."-tita Eva said.
"Pero, totoo po ba talaga na ikaw ang mama ni Abby?"-tanong ko rito na hanggang ngayon, hindi ko alam kung maniniwala ba ako or what. She just nodded. "Pano nangyari yun? Magkapatid kami sa papel, hindi pwede yun."-i said at napailing iling pa.
Naka legal adaption ako kay tita Eva. Kumbaga siya talaga yung tumatayong mama ko since naikasal sila ni dad noon.
"Pero hindi naman kami magkadugo diba, kaya pwede pa rin kami."-i said. Step sister ko ang girlfriend ko. At matagal na itong alam ni Abby.
Kaya pala, wala siyang imik at galit siya kay tita nung gabi na pinakilala ko siya kina dad.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit may masasama siyang sinabi about kay tita Eva. Dahil si tita Eva pala yung mama niya na nang iwan sa kanila ng papa niya.
"Makinig ka muna sakin Aivann, kailangan na nating umuwi."-she said.
"Bakit naman ako makikinig sa inyo. Kayo itong dahilan kung bakit linalayuan ako ni Abby sa nakaraang araw at ngayon, mukhang lalayuan niya ako ulit dahil pa rin sa inyo. Pareho lang pala kayo ni daddy, iniwan ang sariling pamilya para sa kabìt nila. Nakakahiya kayo."-madiin na saad ko at naglakad palayo patungo sa parking lot.
Ayokong masira kami ni Abby, dahil lang sa mga taong walang kwenta. Hahanpin ko siya at aaysin ang dapat ayusin.
CHARLIE'S P.O.V
"Hannah, let's go ihahatid na kita."-i said to Hannah na todo inum ng can in beer na binili pa niya sa isang store, habang andito kami sa isang waiting shed.
"Diba, hindi naman totoo na magjowa ang kaibigan ko at ang pinakamamahal ko na si Aivann, diba?"-tanong nito na halatang medyo lasing na. Marami na rin kasi siya naubos na can in beer.
"Pareho lang tayo ng nararamdaman ng malaman ko ang tungkol sa kanila."-i said at ngumiti ng mapait.
Matagl ko ng alam na may relasiyon ang dalawang yun.
Minsan ko na silang nakita sa Bus na magkatabi at sweet sa isa't isa. Nagtaka lang ako ng sobra, kasi hindi naman sila close sa school.
Hanggang sa makababa sa bus stop saka sila naghiwalay sa paghoholding hands.
Gusto ko sanang tanungin si Abby about don, kaso nahihiya ako. Wala naman akong karapatan mag tanong. Nahuhuli ko din sila na magkatext tuwing nasa klase at seatmate kami ni Abby.
Ang palitan ng I love you at iba pa, sign na may relasiyon talaga sila. Kaya one time, sinundan ko ulit silang dalawa.
Iisang bahay lang ang inuuwian nila, ang pagkakaalam ko naglayas itong si Aivann sa kanila. Kaya naisip ko na nakikitira si Aivann kina Abby.
Minsan ko na rin narinig ang usapan nila ni Carlos, at namomoblema kung pano ba sasabihin kay Hannah ang totoo at ang realsiyon nila ni Aivann. Nag aalala kasi si Abby na magalìt sa kaniya si Hannah.
Masakit din yun para sakin, kaya kanina nung sumasayaw kami. Alam ko na si Aivann ang hinahanap hanap niya.
Minsan ko na rin na naisip na sana maghiwalay na sila. Para may chance na ako kay Abby.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...