● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
CHAPTER 38
******
Nasa sasakyan na kami ni Lolo Andres, at ewan ko ba kung saan kami pùpunta.
"Kumusta naman kayo ni Aivann?"-tanong nito habang magkatabi kami nakaupo sa backset. Nakàsandal ako sa upuan kasi medyo nahihilo ako dahil na rin sa aircon siguro.
"Okay naman po kami Lolo."-sagot ko na lang at pilit na ngumiti.
"Kahit na nagkagulo sa party kagabi?"
Medyo hindi ako nakasagot agad, alam niya pala pati ang sa party kagabi.
"Oo naman po."-sagot ko na lang. Siyempre, ayoko naman namag alala pa siya samin ni Aivann lalo na't may sakit siya.
"Pwede mo namang sabihin sakin ang totoo hija. Wag kang mag alala sakin, hindi naman ako marites tulad ng iba jan."-saad nito at lumingon pa sa Driver niya. "Siya palagi ang nagmamarites sakin tungkol sa inyo ni Aivann."-Lolo said at bahagyang natawa ito pati ang Driver niya.
Kaya naman pala, may marites na nagmamatiyag samin ni Aivann.
"Alam ko ang lahat, na ikaw ang anak ni Eva at apo ni Gaspar at room mate ni Aivann."-lolo said while chuckled. "Kaya pwede mo rin sabihin sakin kung naglilihi kana para sa apo ko sa tuhod."
Nanlaki pa anģ mata ko sa sinabi niya. Ako naglilihi? Hindi noh.
"Naku, hindi po lolo. Wala pong ganun, napuyat lang po ako kagabi. Kaya medyo nahihilo ako kanina, tapos wala pang kain."-i explained. Hay naku naman na matandang ito. Porket sumuka lang buntis na agad.
Hindi ba pwedeng nahihilo lang talaga, dahil sa puyat at hindi ako makatulog dahil sa kakaisip sa nangyari sa ball. At nahiya na rin pumasok sa school dahil alam kong marami ang marites doon.
"Okay."-saad nito at napatango tango pa pero parang hindi pa siya kumbinsido.
Pumunta kami ni Lolo Andres sa isang park.
Naglilibot din kami habang pinapanood ang mga batang masayang naglalaro.
"Madalas ang apo kong si Aivann dito, madalas sila pumunta rito ng mama niya noon."-pagkukwento ni Lolo habang nasa likod lang namin si mang Naldo na driver niya.
"Noong una, hindi na ako nagulat ng iwan ng anak ko ang mama ni Aivann at nagsama sila ni Eva. First love nila ang isa't isa, naghiwalay sila ni Eva noon ay dahil nakabuntis si Andrew ang mama ni Aivann.
Gusto ko ikwento sayo ang katotohanan hija. Noon magkaibigan si Eva at Celestina, baliw na baliw si Celestina sa anak ko kaya nung nakagawa siya ng paraan para makuha at maangkin si Andrew. Yun ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Eva noon. Si Garry naman ay anak ni Gaspar ang lolo mo, na matagal ko ng Driver simula nung binata pa lamang ako. Si Garry ang naging sandalan ni Eva nung oras na yun. Sa sobrang lungkot niya, yinaya siya ni Garry na magpakasal kahit alam niyang hindi siya mahal ni Eva.
Lumipas ang ilang taon, puro away at bangayan lang ang meron si Celestina at Andrew. Dahil nga sa hindi mahal ni Andrew si Celestina at sinisisi niya ito dahil nawala sa kaniya si Eva.
Nagkasakit si Celestina dahil sa sobrang stress niya sa buhay, lalo na nung iwan siya ni Andrew at hinanap niya si Eva ang mama mo."-patuloy nitong pagkukwento. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako or magagalit. Dahil una pa lang ginamit na ni mama si papa para mawala lang ang kalungkotan niya.
"Sinasabi ko sayo ito hija, dahil tulad ng sa inyo ni Aivann at ng kaibigan mo. Wag mong hayaan na, pareho kayo magdusa. Wag mong hayaan na mapunta sa iba si Aivann. Parang ang annagyari sa anak ko at si Eva. Pero hindi naman ako nagsisisi na pinanganak ni Celestina si Aivann. Dahil si Aivann ang dahilan kung bakit masaya ako kahit na sobrang lungkot ng buhay ko.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...