● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 31
"Siya ba ang girlfriend mo Aivann?"-tanong ng lalaki na bagong dating at pumalakpak pa ito ng tatlong beses.
Napatingin naman ako sa babaeng katabi nito na nakatingin din sakin at parang medyo taranta ang mata.
Anong ginagawa niya dito?
"Yes, siya nga po. Abby siya ang anak ni Lolo. Anak ni Lolo she's my Girlfriend este my Fiance."-ngiting ngiti na pakilala ni Aivann sakin sa lalaking kausap niya na nasa harap na namin. Nakangisi lang ito at napapailing iling pa.
"Pasensiya kana hija, hindi talaga ako tinatawag na Daddy ni Aivann."-saad ng dad ni Aivann. Napaiwas naman ako ng tingin sa babaeng tingin ng tingin sa kagandahan ko.
"Mahiyain ang Fiance mo Aivann. Magaling ka naman pala mamingwit, hindi na kita mapagkakamalan na bakla."-saad ng dad ni Aivann na parang tawang tawa pa.
"Of course, walang sabit yan. Just unlike you."-madiin na saad ni Aivann pero pilit na ngumingiti ito. Medyo bastos nga talaga si Aivann makipag usap sa dad njya. Tama naman kasi, tapos ang pinalit pa may sabit din.
"Hello, Abby."-bati naman sakin nung step mom ni Aivann.
Tsk. Sarap hambalusin ng babaeng ito. Kaya naman pala, kasi mayaman ang nabingwit.
"Mabuti pa, pumasok na tayo sa loob. Para maka pagdinner na tayo."-saad ni Lolo Andres at nauna na itong naglakad kasunod ang Kasambahay nito.
"Let's go Abby."-hinawakan ni Aivann ang kamay ko. At hinila ako paalis sa harap ng parents niya.
"Are you okay?"-tanong ni Aivann ng makapasok kami sa bahay nila ng mapansin niya siguro na hindi ako kumikibo.
Tumango lang ako at pilit na ngumiti. Medyo kinakabahan lang ako kanina nung kaharap ko ang parents ni Aivann.
Ayokong masira ang gabing ito para kay Aivann, kaya titiisin ko. Kaya ko ito. Basta ignore lang ang mga kùlto.
Nang makarating kami sa Dinning area,naka pwesto na si Lolo. Pinaghila pa ako ng upuan ni Aivann malapit sa kinauupuan ni Lolo.
Maya maya, dumating na ang mag asawa. Akala ko pa naman kami kami lang ang magcecelebrate. May kasama pala kami, pero infairness sa dad ni Aivann.
Kahit medyo bastos si Aivann sa kaniya, ay parang game na gamepa ito. Ang hindi ko lang gusto ang awra ng stepmom niya.
Naupo pa yung stepmom niya sa tapat ko.
"Mabuti naman at dumating kayo sa birthday ng anak niyo. Siyemprè, para na rin makilala niyo ang kinababaliwan ng anak niyo na si Abby. Any way, kailan ba ako magkakaapo sa tuhod Aivann parang hindi ka pa kumikilos man lang."-saad ni Lolo at tawang tawang pa ito.
Hay naku, lolo kung alam niyo lang kung pano kumilos si Aivann. Para siyang hayòk na hayòk na hayòp or aso na patày gùtom.
"Papa, bakit puro ka apo sa tuhod. Baka nga nag aaral pa itong si Abby."-sabat naman nung dad ni Aivann. "Ilang taon kana ba hija?"-tanong nito sakin at ngumiti pa ito.
Parang mabait naman ang dad ni Aivann eh.
"21 po."-sagot ko.
"Pwede naman ah. Eh ikaw nga, 19 years old ka nung nag asawa ka mas maaga ka pa nga kumirengkeng noon."-pagdepensa pa ni Lolo na kinairap ng mata nung dad ni Aivann habang si Aivann ay medyo natawa pa.
"Pano ba yan, anak ni Lolo. Ako 21 ako lumandi."-nakangisi nitong saad ni Aivann sa dad na kaharap niya sa mesa. "But anyway Lolo, pwede naman namin ibugay ni Abby ang apo na gusto mo. Pero dapat, nakapangalan muna sakin lahat na pag aari niyo. Lahat na pag aari."-madiin na saad ni Aivann habang seryoso itong nakatingin sa Dad niya.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...