● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author:
CHAPTER 54
HARRY'S P.O.V
"Harry, faster!"-utos ni Kierra habang nakapasan ito sa likod ko at hawak hawak niya yung pusa ni Abby.
Andito kami sa hagdanan ng apartment kung saan nagrerent sina Aivann.
"Bakit ka pa kasi sumama, ang bigat bigat mo tapos tamad maglakad."-medyo naiirita kong reklamo rito. Paakyat kami ng hagdan at kanina medyo hinihingal dahil nasa 5th floor ang apartment nina Aivann.
"Puro ka Reklamo, just faster!"-iritable niyang saad. Bigla naman tumalon si Beng beng at tumakbo ito pataas.
"Kita mo na, pati pusa nairita sa kaartehan mo."-i said at medyo inis rito. Dapat hindi ko na lang sinama ito papunta rito sa Bicol.
"Magpasalamat ka sakin, tinuro ko sayo ang daan papunta rito. Dami mong reklamo."-she said. Hayss, nakakairita na talaga ang immature na ito. "Nasa 5th floor na tayo, go go Harry!"-pagchi cheer niya pa sakin. Kung ihulog ko kaya ito, para matigil na kakadaldal at reklamo.
Nang makarating na kami sa tapat ng Apartment nina Aivann. Bumaba na si Kiera mula sa likod ko.
"Wala atang tao dito."-she said dahil parang madilim sa loob mula sa bintana.
Hinilot hilot ko pa ang braso ko at kamay, dahil medyo nangangalay ito.
"Harry, pag nagtanan tayo dito rin tayo pumunta ah."-she said at nakangisi pa ito. Napairap naman ako.
"Tsk. As if naman, itatanan ko ang isang isip bata na tulad mo."-i said at may kunting inis na tumingin rito.
"Ang sungit mo nnama, kaya ka inayawan ng ex-girlfriend mo dahil sa masungit ka , boring at hindi magaling."-she said while chuckled at umiling iling pa ito.
"Just shût up! Okay. Baka pag ikaw pinaligaya ko, hindi kana makalakad. Tsk."
"Really, gusto ko yun. Can we try what you saying Harry?"-she exclaimed at kumapit pa ito braso ko.
"Tsk. Kilabutan ka nga, nagbibiro lang ako."
"Harry naman! Ayoko ng joker, gusto ko ng seryoso noh!"
Masasabunutan ko na talaga ito eh.
"Harry and Kierra, nandito na pala kayo?"
Si Aivann at Abby na kakarating lang, at parang galing ito sa 6th floor ng building. Karga karga ni Abby ang pusa niya.
"Kaya pala nandito si Beng beng eh, akala ko kamukha niya lang si Beng beng."-Abby said.
"Pinapunta ko siya dito, pero di ko ata alam na kasama mo si Kierra?"-Aivann at nakatingin ito sa braso ko kung saan nakakapait si Kierra.
"Ah, oo. Sumama sakin eh at ayaw na bumaba ng sasakyan."-i said. Tinaasan pa ako ng kilay ni Kierra.
Inutusan kasi ako ni Aivann na kunin ang dukumento niya sa bahay nila habang wala pa ang dad niya. Sakto naman paalis ako ng apartment ko ng dumating si Kierra at ayaw na bumaba ng sasakyan.
Pumunta din ako sa bahay nina Abby, para ihingi kay Lolo Gaspar ang dukumento ni Abby at pinadala niya rin sakin si Beng beng para daw may libangan si Abby.
Tapos itong si Kierra, alam niya daw papunta rito kaya napilitan akong isama siya. Tapos sobrang arte at ayaw niya maglakad paakyat ng hagdan.
"Pasok na tayo sa loob"-Abby said at binuksan pa nito ang pinto at in on ang switch ng ilaw na nasa gilid lang ng pintuan.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomansaAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...