CHAPTER 45

767 44 4
                                    

● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●

Author: Binibining Nadya

CHAPTER 45

Hinatid naman ako ni Aivann sa bahay, at kinuha rin ang gamit niya. Dahil doon muna siya sa kanila matutulog, dahil ihahatid niya ng maaga si Evanna  at ang yaya nito sa airport para makabalik na ito ng canada.

"Magkita na lang tayò sa school bukas."-Aivann said. At humalik pa ito sa labi ko na smack oang. "Ingatan mo baby natin ah."-bilin pa nito. Tumango tango naman ako.

"Oo na, bilisan mo na. Maiinip sayo ang kapatid mo."-pagtatabòy ko pa rito.

"Basta, kakainìn kita bukas."-he said at naglakad na aito palabas ng kwarto dala ang bag niya. Pumunta ako sa may bintana para tanawin ang pag alis nila.

Nakasakay na ito ng sasakyan at maya maya lang umandar na paalis.

Hindi pa nakakalayo ang sasakyan, namimiss ko na agad ang Jowa ko. Sinara ko na lang ang bintana. At nahiga sa kama.

Napahawak ako sa tiyan ko, talaga bang bùntis na ako? Ilang buwan lang lolobo na ito at hindi na namin ito maitatago pa sa maraming tao.

HANNAH'S P.O.V

Tinatanaw ko si Charlie sa di kalayuan na mag isa itong umiinom sa  isang table sa loob ng bar.

Hindi ko naman alam na nandito siya, so coincidence lang talaga. Akala ko pa hindi siya mang iinom?

Halatang may problema siya, dahil sunod sunod lang ang tagay niya  at walang ka emo-emosiyon ang mukha.

Simula nung galing kami sa Island, hindi niya na ako pinapansin kahit magkita kami sa school.

Siguro galit siya sakin dahil sa nangyari.

Ilang oras ang lumipas, tumayo ito at halatang lasing na. Pero pinilit niya pa rin maglakad papalabas ng bar. Kaya tumayo naman ako sa mula sa pwesto ko. Hindi naman ako uminom, para hindi ako malasing. Sinundan ko si Charlie na papalabas ng bar.

Hanggang sa makalabas nga at parang nag aabang ito ng taxi or grab. Kaya naman linapitan ko na siya.

"Charlie, ihatid na kita sa inyo."-i said and smile at him. Lumingon ito sakin at papikit pikit pa ang mata na dahilan ng pagkalasing.

"Sino ka?"-tanong nito. Ouch naman! Hindi niya ba ako kilala?

"Iuwi na kita sa inyo."-hinawakan ko naman siya sa braso niya para alalayan ito. "Lasing na lasing kana."-i said. Bigla naman may humawak sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Charlie.

"Bitawan mo siya!"-utos nito sakin at nakataas ang kilay sakin. Babaeng hindi naman kagandahan.

"Bakit, sino ka ba para sundin ko ang sinasabi mo?"-mataray na saad ko rito.

"Ako ang asawa niya, kaya pwede ba bitawan mo siya or else ingungudngod ko yang mukha mo sa semento!"-hes said at dinuro duro pa ako sa noo.

"How dare you!"

"How d@re you too!"

"Tsk. Epal ka masiyado, walang asawa si Charlie noh. Kapal ng mukhà mo!"-i said na sobrang naiinis sa babaeng ito.

"Ah talaga!"-hinawakan nito si charlie sa kabilang braso. "Charlie, diba ako ang asawa mo. Uuwi na tayo hah. Baka kasi ano pang gawin sayo ng babaeng yan, at baka magahàsa ka ulit."-she said habang masama ang tingin nito sakin.

Oh my! Hindi ko ginahasa si Charlie noh!

"Asawa ko, bakit ang tagal mo kong sunduin."-Charlie said at yumakap pa ito sa babae. Kaya naman ngumisi si epàl girl na parang witch.

MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now