● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadine
CHAPTER 39
Siguro hindi ka na darating Aivann. Napagdesisiyonan ko ng uuwi na. Halos wala ng tao rito.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. At natanaw ang lalaking tumatakbo papalapit sakin. Medyo hinihingal pa ito ng makalapit sakin.
"Abby, im sorry. Hinatid ko lang ka---"
"Okay lang. Totoo naman pala talaga yung tsismis. Kaya hindi mo na magawang tumawag sakin."-i said at ngumiti pa ng mapait rito.
"Tsismis?"
Akamang lalapit siya sakin ng harangin ko ang kamay ko.
"Wag ka ng lalapit pa sakin, alam mo ba kung ilang oras ako nag hintay rito?"-paanas kong tanong rito.
"Teka, ano bang sinasabi mo?."
Pinag antay niya na nga ako rito tapos mag maang maangan pa. Hinubad ko naman ang singsing na binigay niya sakin nung monthsarry namin.
"Akala ko iba ka Aivann, nasa ilalim pala ang budhì mo."-madiin kong saad rito. "Tapos na tayo!."-i said at tinapon ang singsing sa umaalon na tubig dagat. Napanganga pa siya at halos hindi makapagsalita sa ginawa ko.
Naglakad naman ako paalis, akala ko hahabulin niya ako. Pero hindi eh, hinayaan niya lang ako. Lumingon muna ako sa likod, pero wala na si Aivann.
Medyo napanganga pa ako ng makitang siyang sumusulong sa malakas na alon ng dagat. Nabitawan ko naman ang bag ko at tumakbo papunta sa kaniya.
"Aivann! Ano bang ginagawa mo?."
Halos maiyak ako sa nakita ko, nasa ilalim na siya. At hindi ko makita ang katawan niya.
"Aivann!."-sigaw ko habang hanggang bewang na yung sinusulong ko na tubig. "Aivann, please!"
Napahagolhol pa ako sa iyak ng hindi siya makita. Gusto ko man lumangoy, pero hindi ako marunong.
"Aivann, nasaan kana!"-patuloy na sigaw ko at humahagolhol sa iyak. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi ko ginawa yun. "Aivann! Bakit?."
Umahon naman mula sa dagat ng hindi ko siya makita at napaupo sa buhangin.
"Abby, nakita ko na!"
Natigil naman ako sa pag iyak nung marinig ang boses niya. Naglalakad siya patungo sakin. Kaluluwa niya ba ito?
"Abby, suutin mo ulit ito."-he said while smiling at sinusuot sa daliri ko ang singsing na tinapon ko kanina. Halos hindi ako makagalaw at tulala lang nakatingin sa kaniya. "Magpapakasal pa tayo, kaya wag mo ng itatapon ulit ah."-he said at yinakap pa ako nito.
Sumisid siya sa dagat para hanapin ang singsing na tinapon ko? Na inakala ko nagsuicide siya dahil sa ginawa ko.?
Ang galing talaga sumisid noh.
"Mahal na mahal kita Abby. Please wag mong gawin sakin to."-he said at may tumulong luha mula sa mga mata niya. Pareho kaming parang basang sisiw.
"Bakit ka ba ganiyan? Bakit mo ginawa yun?"-i ask sa medyo garalgal na boses. Buti na lang pala hindi ako sumulong sa dagat, kasi kung hindi baka ako ang nalunod.
"Makinig ka sakin, kung may naririnig ka man na tsismis tungkol sakin. Hindi totoo yon, ikaw lang ang mahal ko. Kaya kahit itapon mo ng paulit ulit ang sing-sing na bigay ko sayo, paulit ulit din akong sisisid para hanapin yan."
Mas lalo naman akong napahagolhol sa mga sinabi niya.
"Wala akong pakialam kung anak ka ng step mother ko. Ang importante mahal kita. Please, wag mo na akong ipagtabuyan pa. Kasi hinding hindi kita titigilan Abby."-he said seriuosly and he kiss me on my lips.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...