CHAPTER 60

738 39 4
                                    

● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●

Author: Binibining Nadya

CHAPTER 60

AIVANN'S P.O.V

"Aivann matulog kana, gabing gabi na."-Abby said habang nakahiga na ito sa kama. While busy ako gumawa ng layout, at ipapakita sa magpapagawa ng bahay.

"Matulog kana, mamaya na ako."-i said. Napatingin pa ako sa labas ng bintana na salamin na kitang kita ang maliwanag na buwan. It's already midnight in the evening.

Medyo may pinoproblema din ako, dahil tumawag sakin kanina si Evanna at hindi pa raw okay si Lolo mula sa operation.

Gusto ko sanang puntahan si lolo, kaso hindi ko naman pwedeng iwanan si Abby rito. Tapos nga, magkaka first project contractual pa ako.

Siguro naman, magiging okay din si Lolo soon. Binilin niya ako na wag ko siyang alalahanin at intindihin lamang si Abby at ang anak namin.

Hindi ko rin pwede basta iwan si Abby, lalo na't ayaw kami tigilan ni dad.

Maya maya pa, nakatulog na si Abby. She's my Lucky charm ever. Kahit minsan, gusto ko ng sumuko lalo na't anytime pwede maubos ang pera namin. Buti na lang talaga, pera ang renegalo samin ng dalawang tito ko nung kasal namin.

Pero mauubos din yun someday, kaya kailangan ko ng magtrabaho.

Ilang oras pa, natapos na ang tatlong layout na ginawa ko para naman merong pagpipilian ang may ari. Dinalaw na rin ako ng antok, nahiga na ako si tabi ni Abby. Yinakap pa ako nito.

"Bakit ngayon ka lang, kanina pa ako walang kayakap."-she said at nakapikit pa ang mata.

Kaya ayoko iwanan siya eh, kasi ganito ang mangyayari at malulungkot lang siya ng husto kung sakali na iwanan ko siya dito..

Kinabukasan.

Mga hapon, dumating na si Harry. Dahil madaling araw pa lang at bumyahe na siya papuntang probinsiya. Siya ang gagawin kong assistant, mas magaling pa nga itong si Harry magdesigns eh.

"Maya maya, darating na ang kaibigan ko na magpapagawa ng bahay. Sa tingin niyo kaya, magkano ang budget sa isang bahay?"-tanong ni Bb. Nadya habang nasa entrance kami ng gate ng building.

"I think, more than 10 milyon kung hindi masiyado mahal ang mga materials na gagamitin."-sagot ni Harry habang tinitignan niya ang 3 layouts na ginawa ko kagabi.

"Ganun, kamahal yun. Hirap pala magpagawa ng pangmayaman na bahay."-komento ni Abby na nasa tabi ko.

"Actually, mahirap talaga hanapin ang 10 milyon na yan. Pero, kung pursigido ka na matupad ang mga dreams mo. Walang mahirap sa may pangarap. Your dream will comes true with prayers."-Bb. Nadya said.

May huminto naman na sasakyan sa may tapat.

"Andiyan na pala siya."-Excited pang saad ni Bb. Nadya at sinalubong pa ang pababang lalaki mula sa sasakyan.

Teka? Kilala ko ito ah. Nagkatinginan pa kami ni Harry na pati siya nagulat at napalunok ng laway at medyo kinabahan.

"My handsome Doctor, come here."-Bb. Nadya pag aya nito papalapit samin.

"Medyo late ba ako?"-tanong pa nito na todo ngiti pa. Sino naman ang anak niya na papagawan  niya ng bahay at magiging manugang niya.

Di kaya si Harry at Kierra? Tsk. Ang swerte naman ni Harry kung ganun.

"Hindi ka late, medyo napaaga ka pa nga eh."-BB. Nadya. Bakit parang lahat ata, kilala ni Bb. Nadya?

Ang bata pa niya tapos ang kilala niya mga medyo may edad na.

MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now