CHAPTER 29

1.1K 46 1
                                    

● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●

Author: Binibining Nadya


CHAPTER 29

KINABUKASAN.

Nasa dalampasigan kami ni Aivann, para antayin ang pagdating ni Harry. Nakaready na rin ang mga gamit na iuuwi.

"Gusto mo bang bumalik dito?"-tanong ni Aivann. Gusto ko sana eh, kaso baka mawaràk nanaman ako ng husto. "Gusto mo balik tayo pag araw ng Valentines?"-he added.

Valentines? Jusko, parang ayoko. Parang alam ko na kasi ang mangyayari pag bumalik kami rito.

"Gusto, pero saka na siguro. Maybe sa next monthsarry natin."-i said. Napangisi naman siya ng husto.

"Well, don't worry sa next monthsarry natin mas exciting ang gagawin natin."-he said at dinikit pa ako sa kaniya at yung pagkalalakì niya dinidiìn niya sakin na halatang tinìtigàsan nanaman siya.

"Aivann, Abby."

Nagkahiwalay naman kami ni Aivann at liningon si Harry na dumating na. Buti naman at dumating na ang lalaking ito, linigtas niya ako sa delubyò.

"Aivann, kailangan niyo ng umuwi. Inatake ang Lolo mo."-saad ni Harry.

"Nanaman?"-parang dismayado pang tanong nito.

"Oo, tinawagan ako ng Driver ni lolo. Hindi kasi kayo makontak. Isama mo raw si Abby."-paliwanang nito.

Baka totoong inatake na talaga si Lolo.

Ilang oras na biyahe namin, pauwi ng Maynila at papuntang Hospital. Pagdating namin sa kwarto ni Lolo Andres, chinecheck ito ng doctor niya at may dextross din ito. Kaya totoo nga na inatake talaga ako. Tuwang tuwa si Lolo ng makita kami nito.


"Aivann, pagsabihan mo nga itong si Doctor Yeon na okay na ako, sabi niya kasi hindi pa ako pwedeng umuwi."-saad ni Lolo na parang nagsusumbong ito kay Aivann.

Ang gwapo naman ng Doctor kahit medyo parang nasa 30 plus pa lang ito. Para siyang koreano.


"Lolo, kailangan mong magpahinga. Napakaadik mo kasi sa samgyupsal na yan."-saad nung Doctor.


"Oo nga, pero okay naman ako. Sa bahay na lang ako magpapahinga."-pangungulit pa ng matanda.


"It's okay Doctor Yeon, ako na po ang bahalang kumausap sa Lolo ko."-saad ni Aivann sa Doctor.


"Okay, aalis na ako. May Date pa kami ng asawa ko."-saad nito, Aivann just nodded to him. Lumabas na yung Doctor kasama ang nurse nito.


"Hay naku, makulit talaga ang Doctor na yun."-saad ni Lolo at napahinga pa ito ng malalim. Nakasandal ito sa headboard ng kama niya.

"Ikaw ang makulit Lolo, tiyaka wala bang balak yung anak mo na dalawin ka."-said Aivann na halatang frustated ito.

"Nasa ibang bansa ang dad mo, ang tita mo galing na dito kanina. May pupuntahan daw kasi siya."-saad ni Lolo.

Palagi ko na lang hindi natsitsimpuhan ang parents ni Àivann, gusto ko rin sila makilala.




Kinagabihan.

Hinatid ako ni Harry sa bahay, habang si Aivann naiwan sa hospital para bantayan ang lolo niya. Pagkababa ko ng kotse, mèron nakaparada na kotse sa tapat ng bahay namin.

Kanino naman kaya ito? Sino ang bisita ni Lolo?

Wala sa tindahan si Lolo, kaya dumiretso na ako sa loob ng bahay namin. Dumuretso ako sa kusina at naabutan si lolo na naghahanda ng pag kain sa mesa.

MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now