● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 66
ABEGAIL MONTELAVA'S P.O.V
"Salamat bading sa pag aalaga mo kay Lolo ah."-i said to Carlos. Habang pinapanood namin si Lolo na nakikipagkulitan sa triplets sa loob ng tindahan.
Inatake kasi ng highblood si Lolo, at buti na lang at saktong andito si Carlos that time na mangyari yun. Tinawagan niya ako nung nakikitambay kami ng mga bata kina Hannah.
Medyo taranta ako that time at medyo stress, kaya nung umuwi si Aicann na dis oras na ng gabi at lasing pa nagalit talaga ako at nakapagsalita ng hindi maganda sa kaniya.
Pero imbes na makipagtalo siya sakin, tìnùhog niya ako ng ilang beses kagabi na gustong gusto ko naman. Pero ayoko pa rin siyang pansinin, dahil sa ayaw niya pumayag na bumalik kami rito.
Kaya pagkatapos nang ginawa namin, tinawagan ko agad si Hannah para mak8sabay kami papunta rito sa maynila. Kasi magcecelebrate ng birthday si Selena sa bahay ng pamilya Yeon.
Pinag impake ko na rin ng mga gamit ang mga bata, kasi yun lang ang tamang paraan para mapasunod ko rito si Aivann.
Hindi ko gusto ang saktan siya at ewan. Pero wala na talagang ibang optioh eh. Tiyaka, ayoko naman na habang may nangayayring masama kay lolo tapos wala ako. Nakakakonsensiya at hindi ako makatulog. Pati nga ang ginawa ko kay Aivann nakokonsensiya ako eh.
"Malamang, nababaliw na yun si fafa Aivann kakahanap sa inyong mag iina. Baka tumaloh yun sa building!"-napatakip pa ng bibig si Carlos.
Bigla akong kinabahan, nung nakikipaghiwalay ako sa kaniya akala ko nagpakalunod siya sa dagat noon. At kung sakali na hiwalayan ko siya at iwanan ulit magpapakamàtay na daw siya. Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni bakla.
Pero hindi niya naman siguro gagawin yun diba? Hindi niya gagawin yun dahil mahal niya kami ng mga anak niya.
AIVANN MONTENEGRO'S P.O.V
Pababa ako ng 6th floor ng madatnan ko sa labas si Bb. Nadya na nasa may terrace ng hallway at karga karga nito si Beng veng na pusa hamun ni Abby. Nung nanganak kasi si Abby, siya muna nag alaga nito at baka kalmutin ni beng beng ang mga anak ko.
"Aivann, aalis ka? Sa maynila ba?"-tanong nito at nakatingin sa hinihila kong maleta. I hodded. "Wait, sasama ako sayo. Aattend ako ng birthday ni Selena eh. Antayin mo ako ah. Hawakan mo muna siya."-saad niya at binigay sakin si Beng beng at nagmadali itong pumasok sa apartment niya.
"Bilisan mo! Iiwanan kita!"-sigaw ko rito.
"Wag kang atat!"-rinig kong sagot niya mula sa loob.
Isa si Bb. Nadya sa tumutulong samin, dahil siya lagi ang angbibigay ng trabaho sakin. Pangarap niya rin daw magpatayo ng school para sa mga kapus palad at ako ang magiging engineer pag mayaman na daw siya.
Maya maya pa, lumabas na siya na may bitbit na maleta at nakabalot na ang katawan na puro black outfit. Kinuha niya na sakin si Beng beng at nagtungo sa elevator.
Habang nasa biyahe na kami, at nasa passenger seat si Bb. Nadya nakaupo at nakakandung sa kaniya si Bengbeng.
"May problema ba kayo ni Abby?"-tanong niya habang busy lang ako nakatingin sa daan at nagmamaneho. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Maliit lang na problema."-sagot ko.
"Tsk. Ang maliit na problema, lumalaki pag hindi naaksiyonan agad. Katulad ng problema namin ng ex boyfriend ko. Dahil sa Kdrama at Kinababaliwan kong foreign actors naghiwalay kami at mas pinili ko yung foreign actors kaysa sa akniya na walang kasiguraduhan kung kami ba ang forever or what else could that pêsteng Destiny na yan. Kung tutuusin, maliit at mababaw na dahilan yun kumpara sa cheating."-mahabang lintaya niya at napakunot pa ang noo ko.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
DragosteAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...