● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 11
Gabi na at andito ako sa may bintana kwarto ko, kanina pa ako nag aantay sa reply ni Aivann. Sineen niya lang kasi ito, hindi man lang siya nagreply.
Tinatanaw ko din ang pag uwi niya, hindi pa kasi siya umuuwi.
Bakit kaya hindi siya nagrereply? Siguro dahil napagod na rin siya, dahil sa pangbablock ko sa kaniya or baka meron ng iba.
Hayss. Kung meron man, mabuti na rin yun.
Hindi ko rin kasi maintindihan ang nararamdaman ko sa ngayon. Naguguluhan ako ng sobra.
Natanaw ko na si Aivann na papasok ng bahay, kaya nahiga ako sa kama at kunwari busy mag cellphone.
Maya maya pa, pumasok siya ng kwarto.
Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa ngayon, kasi nga may nakaharang na kurtina.
"Abby, boyfriend mo ba yung lalaki na kasama mo?"-rinig kong tanong ni Aivann mula sa pagitan ng kurtina.
Si Charlie ba ang tinutukoy niya?
"Oo naman, bakit mo natanong?"-i ask.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Wala naman, sana maging masaya ka sa kaniya. Wag ka mag alala, magiging masaya din ako."-rinig kong saad niya.
"Oo Aivann, sana maging masaya ka din. Tiyaka, diba may girlfriend ka. Bakit hindi mo siya itry na makipagkita sayo. Malay mo, kayo talaga ang para sa isa't isa."-i said at naupo ako mula sa pagkakahiga.
Then bumaba ako mula sa kama at nagtungo sa kabila. Nakahiga rin pala siya, napabangon pa siya mula sa pagkakahiga.
"Gusto mo tulungan pa kita, baka kasi hindi mo alam kung pano magpakilig ng babae eh"-i said at naupo sa may gilid ng kama niya.
"Talaga!"
"Oo naman, pero may pabor sana ako."-i said at lumukot ang mukha.
"Ano ba yun?"-he ask.
"May assignment kasi ako ngayon, hindi ako masiyado marunong sa History eh. Pwede mo ba akong tulungan."-i said na todo ngiti pa sa kaniya.
"Okay. Ngayon na ba?"-I nodded.
"Wait kukunin ko lang ang notes ko."-i said at nagtungo sa kama ko at kinuha ang bag ko. Ghen balik sa pwesto ni Aivann.
Pinakita ko sa kaniya ang assignment ko. Medyo bòbo kasi ako sa History eh, madalas ko tinutulugan yan sa klase.
"Madali lang ito"-he said lumapit naman ako sa kaniya.
"Wow, ang galing naman ni Mr. President."
"Asus, siguro marami ka pang pabor kaya todo compliment ka pa jan."
Hindi talaga siya nagkakamali. Last time lang, pinapauwas ko siya sakin, tapos ngayon lalapit ako dahil may kailangan.
Mabait naman pala talaga si Aivann, minsan kasi tumitingin lang talaga tayo sa first impression ng isang tao tapos magjajudge na agad.
Mabait naman pala ang loob niya, boyfriend material pa nga siya eh. Bukod sa honest siya, parang loyal na rin.
Si Aivann ang sumagot sa assignment ko tapos erereview ko na lang daw.
Then sa ibang assignment ko, ako na ang nagsulat habang siya nagcecellphone.
Nag vibrate naman ang phone ko na nasa tabi ng notes ko at nasa may malapit kay Aivann.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...