● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE ●
Author: Binibining Nadine
CHAPTER 15
ABEGAIL'S P.O.V
"Ayan na, okay na ba?"-i said to Aivann ng iabot sa kaniya yung PT. "Alam mo na ang resulta, kaya pwede mo na siguro akong lubayan noh."-mataray ko pang saad rito.
"But Abby---"
"No but's Aivann. Ayoko masira ang friendship namin ni Hannah. Lalo na't mahal na mahal ka niya."
"What?!"-parang gulat niya pang reaksiyon. Bakit parang nagulat pa siya.
"Aivann, please. Stay away from me, ayoko ng issue. Pwede?"-turan ko rito at tinalikuran ko na siya at mabilis na naglakad paalis. Dahil late na ako sa first class ko.
Ayoko kasi na meron pang ugnayan samin ni Aivann, oo magkasama kami sa iisang bahay. Kaya hindi pa rin ako matatahimik sa lagay na yun.
Pumunta na lang ako ng library, wala eh. Late na ako, baka mapagalitan pa ako ng professor ko.
Negative naman kasi yung results ng PT, kaya walang dahilan para mag usap pa kami.
Hayss. Kung nag Positive yun, malamang malaking problema yun.
Nakakawalang gana tuloy pumasok sa klase today, siguro may nakain lang talaga ako. Dahil siguro sa sobrang takaw ko at nasobrahan ng cholesterol ang katawan kaya sumusuka ako.
Ganun lang siguro, ano ba yan! Nalaman niya tuloy ang totoo. Tungkol sa rpw account at nangyari samin.
Nakakailang na tuloy, kung sakaling makikita ko siya.
Sa maghapon ko sa school, hindi ko naman nakita ang kaluluwa ni Aivann. At mabuti na ang ganun.
Hindi rin kami, nagkita kita ng mga kaibigan ko dahil kaniya kaniya kami ng pinag aabalahan ngayon.
Hanggang sa makauwi ako sa bahay, nasa kwarto lang ako. Wala pa si Aivann, malamang gabi na palagi umuuwi yun.
Busy rin ako sa paggawa ng homeworks ko.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko at pagsara nito. Malamang nadiyan na siya, nakatalikod kasi ako mula sa pinto. Naririnig ko rin ang yapak ng sapatos niya.
Nagulat naman ako ng may yumakap sakin mula sa likod ko.
"Wala kang kawala ngayon."-si Aivann at mahigpit ang pagyakap sakin.
"Hoy teka! Ano ba!" Pagpupumiglas ko mula sa pagkakayakap niya mula sa likod ko.
"Mag usap muna tayo, pag di mo ko kinausap. Sasabihin ko ang lahat kay Lolo"-pangbaba blockmail niya pa sakin.
"Oo na! Bitawan mo na ako."-naiinis kong saad rito.
Binitawan niya naman ako at naupo sa tabi ko. Napairap naman ako ng makita siyang nakangisi ito.
"Ano bang kailangan mo? Diba sabi ko sayo, stay away from me."-sabi ko ng madiin habang tinatarayan siya.
"Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Ang gusto ko lang maging official mag on tayo. Naiintindihan mo ba?"-he said while chuckled. Seryoso siya? Pero bakit parang nagbibiro lang siya.
"Hindi nga kasi ako yun, si Hannah ang tunay na girl-----"-hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang bibig ko.
"Hindi ko type ang bestfriend mo, ikaw naman talaga yung ka chat ko ah."-he said at inalis ko ang kamay niya nasa bibig ko.
"Hindi mo rin naman ako type ah."-diretsa kong saad.
"Ganun na nga, pero atleast we know each other. Close tayo or what ever at tiyaka may nangyari satin."-he said then smirk. Napatakip naman ako ng tenga dahil sa pagkairita sa sinabi niya.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...