● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadine
CHAPTER 33
AIVANN'S P.O.V
"Lolo, umuwi na po ba si Abby?"-tanong ko kay Lolo Gaspar ng abutan ko ito sa loob ng tindahan niya.
"Hindi pa, bakit may problema ba?"-tanong pa nito. Agad naman akong umiling.
"Wala po."-walang ganang sagot ko. Saan naman kaya nagpunta yun.?
"Kumusta na ang lolo mo? Magaling na ba siya?"-tanong pa nito. I nodded.
"Opo, medyo malakas na po si Lolo ngayon. Pwede po ba akong pumasok sa loob."-i ask. Lolo Gaspar just nodded. Pumasok ako sa loob ng bahay nila at dumiretso sa kwarto.
Wala pa nga si Abby. Hindi ko naman alam kung saan siya pumupunta at bahay ng kaibigan niya.
Pano nga kung totoo ang tungkol sa kanila ng Charlie na yun?
Hindi ako naniniwala na meron silang relasiyon. Hawak ko lagi ang phone ni Abby tuwing magkasama kami rito. At wala naman akong nababasa or nakikita na kausap niya ang lalaking yun.
Alam ko may iba siyang problema na ayaw kong malaman. Or di kaya alam na ni Hannah ang totoo at pinagbantaan siya nito? Possible na mangayri yun.
Pero baka meron pang ibang dahilan?
Naupo ako sa kama niya at nahiga rito. Hihintayin ko na lang siya dito. Hindi ako papayag na mawala siya sakin kahit ano pang dahilan yan.
Si Abby ang kumumpleto sa gumuhong mundo ko. Ayoko na, siya rin ang wawasak nito. Siya lang ang buhay ko, kung mawawala siya sakin, dapat mawala na rin ako.
Siya ang aking hininga, mundo at buhay ko. Ayoko na mawala rin siya tulad ng mama ko, kaya ipaglalaban ko siya kahit masaktan man ako.
ABEGAIL'S P.O.V
"Wala ka bang balak umuwi sa inyo bading, baka hinahanap kana ni Lolo Gaspar eh."-saad ni Carlos, at dito ako nakitulog sa kwarto ng kapatid niya. At inabot ng umaga.
"Mamaya na, inaantok pa ako."-i said at pinikit pa ang mga mata ko.
"May pasok ako sa school ngayon. Hindi ka papasok?-tanong nito. Umiling lang ako.
"Uuwi na lang ako mamaya, ako na bahala sa bahay niyo."-i said to Carlos. Nakauniform na ito at ready to school na rin.
"Okay. Fine! Basta isara mo ang gate pag alais mo mamaya. Aalis na ako."-bilin pa nito at naglakad na palabas ng kwarto.
Hayss. Nakakaantok naman.
HAPON na ng umuwi ako sa bahay, at si Lolo super busy sa tindahan. Kaya dumiretso kang ako sa bahay at sa kwarto ko.
Nang makapasok ako rito, naabutan ko si mama na nasa kama ko ito at nakaupo at may tinutupi na mga damit ko. At malinis at hindi rin makalat ang kwarto ko.
"Ano hong ginagawa niyo rito?"-tanong ko rito at lumapit sa cabinet ko para kumuha ng pangbihis ko.
"Dinala ko ang susuutin mo sa Grand ball."-nakangiti pa nitong saad. Close ba kami? Napatingin pa ako sa malaking box na nasa tabi niya.
"Hindi na kailangan. Iuwi niyo na lang yan, hindi ko rin naman susuutin yan."-i said.
"It's okay. Para sayo talaga ito. Ito ang pinakaunang gown design ko at ako mismo ang tumahi. Regalo ko sana ito para sa 18th birthday mo. Kaso, hindi ako pinapayagan ng asawa ko na pumunta kung saan saan."-pagkukwento pa nito.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomansAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...