● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author:
CHAPTER 27
Napatigil naman kami sa paghaharùtan ni Abby nang tumunog ang phone ko. Istorbo naman.
"Sagutin mo na baka importante."-Abby. Tinanggal ko naman ang kumot na nakatalukbong saming dalawa at pareho kaming naupo sa kama.
Tumatawag si Lolo. Ano nanaman kaya kailangan nito.
I answer the call.
"Hello Sir Aivann."-boses ng Driver ni Lolo.
"Bakit ho?"-ako. Yinakap ko naman si Abby at hinahalikan pa ito sa leeg niya. Istorbo kasi ang mga ito eh.
"Ang lolo mo po sir Aivann, dinala ko ngayon sa Hospital."
"Ano?!"
Napatigil pa ako sa paghahalik sa leeg ni Abby dahil sa narinig ko.
"Inatake po ng highblood ang lolo niyo, kaya agad ko siyang dinala rito"-Driver. Kumalas muna ako kay Abby.
"Bakit hindi niyo tawagan si Daddy."-medyo inis ko pang saad at iniistorbo niyo ang gabi sana namin ni Abby.
"Wala po ang mag asawa nasa business trip sila ngayon. Gusto po pala kayo makausap ng lolo niyo."-Manong.
Nakikinig lang si Abby sa usapan namin ni Manong.
"Apo, puntahan mo ako rito ngayon. G-Gusto ko sana na isama mo si Abby para makita ko siya bago man lang ako mamatày."-boses ni Lolo mula sa phone at parang nahihirapan pa itong huminga.
Tumango tango naman si Abby sakin at parang sinasabi niya puntahan namin ito.
"Sige po Lolo, pupunta kami jan ni Abby."-i said. Binaba ko na ang tawag. At maya maya nagtext si lolo kung saang hospital sila ngayon.
"Halika na, puntahan natin si Lolo"-pag aya pa ni Abby.
"Magbihis ka muna."-i said.
ABEGAIL'S P.O.V
HOSPITAL.
Magkahawak ang mga kamay namin ni Aivann na naglalakad sa loob ng hospital papunta sa kwarto kung nasaan si Lolo.
Parang sobrang nag aalala si Aivann, kahit ako mag alala rin kung may mangyari sa Lolo ko.
Nasa tapat na kaming kwarto kung nasaan ang lolo niya. Pumasok na kami rito, at naabutan namin ito na nakahiga sa kama.
Napangiti ito ng husto ng makita kami ni Aivann.
"Aivann, kailangan ba talaga magkasakit ako para makita ko lang kayo ni Abby."-parang malungkot nitong boses.
Linapitan naman ito ni Aivann at naupo sa gilid ng kama nito.
"Baka naman kasi sumbobra nanaman kayo sa pagkain ng karne. Ang hilig niyo kasi sa Samgyupsal."-parang panenermon pa ni Aivann.
"Aivann, umuwi kana sa bahay. At isama mo na rin itong si Abby sa bahay natin."-Lolo said at ngumiti ito ng malapad sakin. Hay naku, kung pwede lang wag na kaming maghiwalay ni Aivann gagawin ko. Kaso may Lolo din ako na dapat kong samahan.
"Kailan ba ako magkakaapo? Malapit na akong matège, parang hindi pa kayo kumikilos."-lolo said.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nung Driver ni Lolo.
"Tsk. May sakit kana, yan pa rin iniisip mo."-Aivann said at napangisi pa ito. "Pero sige Lolo, uuwi ako ng bahay palagi kitang dadalawin doon. Pero hindi pwedeng umalis naman ako kina Lolo Gaspar. Ayokong.."-lumingon pa sakin si Aivann. "Iwan ang nagpapasaya sakin doon."-he said at liningon uli nito ang lolo niya.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...