CHAPTER 49

733 43 0
                                    

● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●

Author: Binibining Nadya

CHAPTER 49

"Aivann, hindi kita mahagilap sa bahay niyo kaya pinuntahan na kita rito."-she said. Napatayo pa si Aivann sa kinauupuan niya at halatang parang gulat ito sa nakitang magkasama kami ng babae niya.

"Diba sabi ko naman sayo, tigilan mo na ako."-parang irita na saad ni Aivann at lumapit ito sakin.

"But why? Your my fiancé, right?."-said Girl.

So, ito yung fiancé niya na inaararraged sa kaniya ng dad niya.

"May asawa na ako."-Aivann said at hinawakan ang kamay ko nito.

"What? That girl?"-parang hindi makapaniwala na tanong nito at napairap pa. Aba, ako ba hinahamon mo?

"May problema ka ba sakin?"-i said at naglakad papalapit sa babaeng ito.

"I'm just saying na.."-henead to foot pa ako nito.

"Kierra, stop this. Halika na, can't you see may asawa na si Aivann. At ikaw, hindi ka naman talaga niya fiancé or gusto. Arranged lang naman kayo noon."-Harry said. Okay, Harry Banatàn mo.

"Pero, magagalit sakin si tito Andrew pag di ko sinunod ang gusto niya."-Sabi ni ate girl na Kierra daw ang name.

"Halika na, ihahatid na kita."-Harry said at hinawakan ang kamay nito at hinila palabas ng Ssg Office.

Akmang lalakad sana ako palabas ng room ng hawakan niya ang kamay ko.

"Kailangan ko bang mag explain?"-he ask seriously.

"Tsk. Anong explanation nanaman ang sasabihin mo?"-nakairap na turan ko rito.

"Look, siya yung inaarranged sakin noon ni Dad tapos pinipilit niya rin si Kierra na lapitan ako."-he said.

"Isa lang ibig sabihin nun, hindi ako gusto ng dad mo para sayo. Kaya pakasalan mo na lang si Kierra at kayo na ang magmahalan."-i said at medyo may inis.

"Abby naman, hindi ako kumuntak sayo ng ilang araw dahil baka gusto mo ng time and space para makapag isip isip. Tiyaka, pinakilig na nga kita kanina eh."-he said na kinairap ko ng husto.

Sinusumbat niya ba sakin na pinakilig niya ako, tiyaka pano niya nalaman na kinilig ako. Yàwa!

"Hindi ako kinilig noh, feeling mo naman."-i said at tinaasan pa ito ng kilay.

"Then, what are doin here? Namimiss mo ba ako?"-he ask while chuckled. Pereng tenge nemen ito?

"Hindi noh, sinamahan ko lang ang babae mo. Jan kana nga."-medyo inis kong saad rito pero medyo kinikilig talaga ang kèpay ko.

Yinakap niya naman ako ng sobrang higpit.

"Namiss kita ng sobra, bakit hindi mo ako yinayakap? Siguro may iba kana."-parang nagtatampo pa niyang saad. Siniko ko naman siya ng mahina na kinadaing niya.

"Ikaw nga itong may ibang babae eh."-i said habang nakairap rito.

"Hindi ko nga siya babae, tiyaka hayaan mo pagsasabihan ko ang anak ni lolo para tumigil na siya."-he said at hinalikan pa ako sa noo nito.

"Wag na, ayoko na mag away kayo. Hayaan mo na lang siya, basta ipangako mo na lang na..."

"Hindi kita ipagpapalit kahit kanino, ikaw pa rin ang pipiliin sa araw araw."-he said. Napayakap naman ako kay Aivann. Namiss ko din naman siya eh.

MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now