● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
CHAPTER 19
Liningon ko naman si Aivann na nasa ilalim na kama. Medyo napahinga ako ng maluwag. Tumayo ako at hinrap si Hannah.
"Aalis na ba tayo?"-tanong ko.
"Oo, halika na."-pag aya nito nauna na itong naglakad palabas ng kwarto. Inaklay ko na lang ang sling bag ko at sumunod kay Hannah.
Muntikan na kami don ah, buti na lang nakatago agad si Aivann.
Bakit ba kasi ngayon pa nila naisipan na gumala.
***
Nasa manila bay kaming tatlo at kumakain ng ice cream.
"Alam niyo, hindi pa rin ako maka move on don sa secret girl ni Aivann eh. Sa tingin niyo ano kayang course ng secret girl niya?"-Hannah said.
"Bakit susugurin mo ba? Kung ako sayo bading, tigilan mo na pagkahibang kay Aivann. Eh wala naman kayong relasiyon para magselos ka."-nakairap na saad ni Carlos. Tama naman si Carlos!
Ano ka ba bading! Gusto ko lang malaman kung sino siya, para naman makita ko man lang ang karibal ko kung maganda ba siya, matalino? Kung may class ba siya or papantay siya sa level namin ni Aivann."-saad pa ni Hannah.
Medyo nasaktan pa ako sa sinabi niyang kung papantay ba sa level nila? Inaamin ko naman na mahirap kami at mayaman si Aivann at Hannah.
Mas bagay nga talaga siguro sila kumpara samin ni Aivann.
"Sana maghiwalay na sila."-rinig ko pang saad ni Hannah.
May pag ka attitude naman talaga si Hannah, alam ko na yun. Minsan masakit talaga siya magsalita at minsan naman masiyado mapanghusga.
Gumala pa kami kung saan, pero medyo nawawalan akong gana sa ngayon.
Libre ngayon ni Hannah.
"Kita kita tayo sa monday ah."-saad ni Hannah bago ito sumakay ng taxi para makauwi na sa kanila.
Kumaway kaway lang kami ni Carlos ng bago umandar paalis ang taxi na sinasakyan niya.
Nakareceived naman ako ng message from my Boyfriend.
Boyfriend🖤
"Baby, bilhan mo ako mango pie. Bayaran na lang kita dito."
"Boylet mo?"-medyo nagulat pa ako nung nakasilip pala si Carlos ng binasa ko ang text ni Aivann
Agad kong tinago ang phone ko sa bag.
"Hindi noh!"-pagtanggi ko pa rito while im shaking my head.
"I don't believe you! I know na ikaw yung secret girl ni Mr. President"-saad nito at pinakatitigan ako sa mata na kinaiwas ko ng tingin. "Sabi ko na nga ba eh."-sabi pa nito. Naglakad ako patungong bench habang nakasunod si Carlos at naupo kami rito.
"Aminin mo, ikaw yung baliw na kaaway niya sa radio studio, right?"-tanong nito habang tinaasan ako ng kilay.
"Oo na."-pag amin ko, na kinairap niya ng husto. "Pero bakit mo pa sinama si Hannah sa bahay. Alam mo naman na nandon si Aivann diba."
"Eh siya lang naman ang nagpumilit, kasi dadalawij niya daw si Lolo Gaspar. Pero hindi niya naman nakita diba, kaya wag ka ng magalit jan. So, pano ba naging kayo?"-tanong nito at naka crosslegs pa itong nakaupo.
***
Nasa Jollibe kami ni Carlos para bumili ng mango pie, dahil nautusan ako ni Aivann. Naikwento ko na rin sa kaniya ang mga nangyari. Kay Carlos ko naman talaga nakukwento lahat eh. Kumpara kay Hannah.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomansaAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...