● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 17
KINABUKASAN.
Napa unat unat pa ako ng mga braso paggising ko at pagbangon mula sa pagkakahiga.
Tulog pa si Aivann, aww. Ikaw ba naman mapuyat.
Linapit ko naman ang mukha ko sa kaniya at hinalikan siya sa noo.
Sekreto na lang ang ginawa namin kagabi, hay naku. Ayokong malaman ng mga marites jan. Basta ako, maganda ang araw ko.
Bumaba na ako mula sa kama tiyaka ginising si Aivann.
"Hoy Aivann, gising kana."
Inaalog alog ko pa ang braso niya. Maya maya nagising na siya.
"Teka, bakit nandito ako?"-tanong niya na nagtataka at napabanhon pa ito mula sa pagkakahiga.
"Hay naku, para kang tanga jan. Don't worry, don ako natulog sa kama mo. Inagawan mo kasi ako ng kama."-i said at inerepan siya then tumalikod at naglakad palabas ng kwarto habang nakangisi.
Jusko naman Aivann! Nagka amnesia kananaman sa ginawa mo. Nag almusal na lang ako at maya maya dumating na siya.
"Good morning"-bati ko rito. Tumayo naman ako. "Maupo kana, aasikasuhin ko ang boyfriend ko."-i said at kumuha ako ng pinggan sa lalagyan nagtataka naman siya na pinagmamasdan ako habang linalagyan ko ng pagkain ang platong nasa harap.
"Bakit ganiyan ka makatingin?"-tanong ko rito.
"Anong nakain mo?"-he ask. Umiling naman ako.
"Wala naman, diba boyfriend na kita. Kaya inaasikaso kita. Pero secret lang natin kay lolo."-i said at bumalik na ako sa upuan ko. "Okay ba ang tulog mo?"-tanong ko rito habang todo ngiti pa.
Gusto ko lang maging masaya ngayon. Hayss. Forda inggit naman kayo at nag iintriga kung bakit ako masaya.
"Hindi na ako maglalasing next time, palagi na lang masakit ulo ko."-sabi niya habang hinihilot hilot pa ang sintido niya.
"Tama yan, baka mag ka sakit ka pa dahil sa alak eh."-pag sang ayon ko pa rito. "At tiyaka wag ka ring makikipag landian sa ibang babae"-sabi ko at nakaiwas ng tingin at napairap pa.
"Ano pa ba?"-tanong niya habang sumusubo ito ng pagkain.
Liningon ko naman siya."Gusto ko ako lang."-i said at tinuro pa ang sarili ko.
"Tsk! Yun lang pala."-sabi nito. Parang hindi talaga naalala ni Aivann ang ginawa namin kagabi. Bakit kaya medyo makakalimutin siya, ulyanin na ata.
Sabay kami pumunta ng school ni Aivann, malamang araw araw na ito. Pero kailangan namin maghiwalay pag papasok ng gate. Ayoko na may makahalata na iba samin.
Garden.
"Mga accla nakita niyo na ba ito?"-tanong ni Carlos at may pinakita sa phone niya. Habang andito kami sa garden at tumatambay.
"Aivann Montenegro in a relationship was October 08 2022."
Ang nakalagay sa status nito. October 08?
"It's mean, mag to 2 months na sila ng jowabels niya. May jowa na pala siya, so pano kana Hannah.?"-sabi pa ni Carlos na parang inaasar pa si Hannah. Eh sino naman kaya ang jowa niya? Meron na pala siyang jowa, parang pinaglaruan niya lang kami.
"Jowa? Jowa lang yan, hindi pa naman asawa ah. Kaya ko pa rin siyang agawin noh."-parang confident pa nitong saad.
"Alam mo manahimik kana, hindi tama yan accla noh"-nakairap pa na saad ni Hannah.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...