● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 56
HANNAH'S P.O.V
Buong biyahe, puro si Harry at Jowa niya ang maingay. Nakakairita naman, dapat nag bus na lang ako.
Gusto ko matulog, pero naiilang ako dahil katabi ko si Charlie. Kanina pa siya nanonood ng Kdrama. Minsan nga nakikinood na lang ako sa kaniya. Kaso hindi ko naman naririnig kasi nga naka airphones ito.
Sa kalagitnaan ng biyahe, nakaramdam ako ng paghihilab ng tiyan at parang masusuka.
"Sandali, Harry. Pakitigil muna ang sasakyan, please."-napatakip pa ako ng bibig habang nakahawak sa tiyan ko.
Hininto naman njya ang sasakyan sa gilid, medyo nahirapan pa akong buksan ang pintuan. Ng may tumulong sakin para bumukas ito.
Nang bumukas na ito, agad akong bumaba at tumakbo papunta sa gilid. At dumuwal rito.
"Bluahhhh! Pwe!"
Grabe, ang pangit ng lasa.
"Are you okay?"-napalingon pa ako sa likod ko, ang jowa ni Harry . Bakas sa mukha nito ang pag aalala. Hinimas himas niya ang likod ko. Habang bumaba na rin ng sasakyan sina Carlos at Harry. Inabutan pa ako ni Harry ng tubig na nasa plastic bottle. Agad ko itong tinanggap at saka nagmomog.
"Okay kana ba?"-tanong ni Carlos. I nodded. At tumayo ako ng tuwid at saka kumuha ng tissue sa sling bag ko.
"Nahilo lang ako sa biyahe, medyo malakas kasi ang aircon."-i said. At pumaypay pa gamit ang palad ko.
"Tara na, ilang oras na lang nasa bicol na tayo."-Harry said at nauna na itong sumakay ng sasakyan.
Sumakay na rin kami, balik ako sa tabi ni Charlie. Gusto ko lang magpapansin sa kaniya. At tiyaka, hindi ako papayag na hindi kami magkaayos hanggat matapos ang wedding ni Abby.
Medyo inaantok na rin ako. Hayss, gustong gusto ko matulog. Pero nakakahiya talaga sa kanila.
×××××
"Bakit ka ba ganiyan,? Alam mo naman na mahal kita. Pero patuloy mo pa rin akong pinapahirapan ng ganito!"
"Hindi ba ako kagusto gusto?!"
Anak ng potchhhà. Ang ingay naman. Napamulat ako ng mata.
"I'm sorry, hindi ako deserving na lalaki para sayo."
"Ang ingay naman, disturbo sa pagtulog ko."-medyo inis kong saad. Nakatulog pala ako, medyo humikab hikab pa ako.
Nakakainis naman itong si Charlie, talagang vinulume pa niya ang pinapanood niya at hindi na gumamit ng earphones.
"Uyy, Charlie. Anong title ng pinapanood mo?"-tanong ng jowa ni Harry at nakalingon pa ito samin.
"Ito? Finding Her ang title nito. Maganda ito, search mo na lang."-Sagot ni Charlie rito.
"Mukhang maganda yan ah. Yan ba yung General Surgeon ang leading man?"-tanong pa nito. Charlie nodded. "Okay, thank you."-nagpindot pindot na ito sa phone niya.
"Malapit na tayo sa BNS Apartment."-Harry said. Napatingin pa ako sa wrist watch ko. 9 hours na pala kaming bumabiyahe. Hapon na pala, bilis ng oras.
Ilang minuto pa ang lumipas, hininto na ni Harry ang Van sa tapat ng may malaking karatula na BNS Apartment. Kung saan nasa labas ng gate sina Abby at Aivann na parang inaabangan ang pagdating namin.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...