● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●
Author: Binibining Nadya
CHAPTER 51
AIVANN'S P.O.V
FEW DAYS AGO.
"Kalokohan!"-galit na saad ni Dad habang nasa harap niya si Harry at Kierra. Galit na galit lang naman siya ng sabihin ni Kierra na magjowa sila ni Harry. Nandito rin sila sa bahay ni Lolo, para personal na sabihin kay dad na ayaw niya magpakasal sakin.
"Tito, medyo matagal na po ang relasiyon namin ni Harry. Kaya hindi po talaga pwede na mangyari ang gusto niyo."-Kierra said habang nakapout lips pa ito at magkaholding hands din sila ni Harry.
Habang ako chill na chill ang pag upo sa couch. Hayss, high blood masiyado si Dad ngayon.
"Sasama po ang loob ni Harry sa inyo pag pinilit niyo pa ako kay Aivann."-Said Kierra at kumapit pa ito kay
"Relax Man, baka mauna ka pa kay Lolo magpa opera."-i said.
"Isa ka pang bata ka!"-nangingitngit na saad nito at may paduro duro pang nalalaman.
"Hayss, mabuti pa magpahinga kana. Hindi ka ba manonod ng Graduation day ko bukas?"-nakangisi kong tanong rito. At tumayo pa mula sa pagkakaupo.
"Wala akong pakialam sa Graduation day mo."-bumalik ang tingin nito kina Harry at Kierra. "Ikaw naman Kierra, ipapaalam ko ito sa parents mo."-pagbabanta pa rito ni Dad.
"Magtatanan po kami ni Harry pag nagsumbong kayo kina mommy at daddy."-said Kierra at kumapit ng husto sa braso ni Harry.
"Tito, sana maging masaya na lang po kayo para samin ni Kierra. Kami naman po talaga ang nagmamahalan ni Kierra."-said Harry na sobrang seryoso nito at nakatingin pa kay Kierra.
Sus! Kalokohan Harry! Baka nga hindi pa siya naka move on sa ex niyang si Hannah eh.
Inis naman na nagmartsa si dad para lisanin ang living room at paakyat ito ng hagdan.
"Tsk. Good job, galing ng acting niyo."-I said. At nag thumps up pa sa dalawang artista.
L"Kailangan mo kaming ilibre ni Harry Bukas."-Kierra said.
"Oo na, pero kailangan niyo ng umalis at mag date na kayo."-pagtataboy ko pa sa mga ito. Hinatid ko pa sila hanggang sa makalabas ng bahay. Medyo gumagabi na rin kasi.
Tumambay muna ako sa pool area. At tinawagan na rin si Abby. Dito muna ako matutulog, dahil ako ang maghahatid kay Lolo at kuya Hernando sa Airport. Siya lang naman ang pinagkakatiwalaan ni lolo at kasa kasama kahit saan magpunta.
"Aivann, natutulog na ako."-said Abby ng sagutin nito ang tawag ko. Halata nga na galing siya sa pagtulog at naistorbo ko pa ata. Madalas naman siya matulog, dahil nga naglilihi at buntis.
"Gusto ko lang marinig ang boses mo, bago ako matulog."-i said.
"Bukas kana lang tumawag, gisingin mo ko bukas."-she said.
"Okay fine. Tulog kana ulit. Sweet dreams."-i said na medyo kinikilig pa.
"Okay, tulog kana rin."-she said at pinatày na nito ang tawag ko.
Matutulog na rin ako. Pumasok ako ng bahay.
Habang naglalakad ako patungong kwarto ko. Narinig ko ang ingay mula sa library ni lolo. Dahil medyo nakabukas ang pinto nito. Sinilip ko pa ito.
YOU ARE READING
MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)
RomanceAbegail, is a No boyfriend since birth. Siya ang babaeng maituturing na parang walang kinakatakutan. Hanggang sa gawan siya ng RPW account ng kaibigan niyang bakla. Role play world, kung saan peke ang lahat. Pero sa hindi inaasahan, isang arogante...