CHAPTER 69

833 32 0
                                    

● MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE●

Author: Binibining Nadya

CHAPTER 69

Kinabukasan.

Pumunta nga kami ng bahay nina Lolo Andres, na discharge na pala ito nung isang araw pa. Dahil sa malakas na ito ulit, pagdating namin ng bahay nila. Nagsitakbuhan pa yung tatlo at paunahan sila kay Lolo Andres.

"Ang sweet naman ng aking mga apo."-Lolo Andres.

"Grandpa, let's play outside."-pag aya dito ni Sabby.

"Grandpa, you can walk properly"-Anthon.

Natawa na lang si Lolo sa kakulitan ng tatlo, at lumabas nga sila habang mau nakasunod na katulong at ang Driver nito na si Mang Naldo. Habang natanaw ko na ang dad ni Aivann at si mama na naglalakad pababa ng hagdan.

"Abby, ayoko siya makausap."-bulong pa sakin ni Aivann.

"Ano ka ba! Bakla ka ba, hindi ka sasaktan niyan noh."-mahinang saad ko. Nakababa na yung mag asawa, habang si Evanna tumatakbo pababa ng hagdan at palabas ng bahay para puntahan ang mga pamangkin niya.

"Aivann, im sorry."-yun lang ang sinabi ng papa niya at yinakap nito si Aivann. "I'm sorry for everything, sana mapatawad mo ko, bago ka mamaalam at iwanan kami."-saad nito at parang maiiyak na napakunot naman ang noo ni Aivann at kumalas ito sa pagkakayakap ng papa niya.

"What the hêll did you say?! I'm not going to die! So annoying!"-inis na saad nito sa papa niya.

"Ay ganun ba, sabi kasi ng lolo mo. Stage 4 na daw ang Cancer mo."-saad pa nito.

"What?! Cancer? Haha"-bahagya pa siyang natawa. "Tsk. Pneumonia lang sakit ko, mauuna ka pa sakin noh."-Aivann said at umismirk pa. Siniko ko pa ito at pinanlakihan ng mata dahil sa kabastusan na sinabi niya.

"Mas okay pa palang kausap ang mga anak mo at marunong gumalang. Halatang naturuan ng tama ni Abby."-Saad ng dad ni Aivann.

"Eh hindi mo naman kasi ako naturuan ng tama non. Tsk."-medyo inis ang mukha nito.

"Okay, Look. Bumalik na kayo sa bahay na ito. Tiyaka babalik na kami sa Canada next month. Walang makakasama ang Lolo mo rito, pati yung negosiyo ng Lolo mo. Ikaw na rin Son ang bahala."-saad pa nito at tinap ang balikat ni Aivann. "Kaya mo yan, basta magpagaling ka at wag mong hahayaan na mabiyoda ng maaga si Abby."-nakangiting saad nito.

"Wag mo ring hahayaan na mabiyoda ang mama namin ni Abby."-said Aivann while hes putting some smile on his lips.

"So bati na tayo?"-tanong ng dad niya. Bakit parang pambata naman.

"Sige, bati ma tayo."-Aivann said. Yinakap pa siya ng papa niya.

"Thank you Son. Get well soon, okay."

"Yes, dad."-Aivann. Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Aivann habang nakayakap sa ama niya. Ngiting ngiti naman si Mama na parang maiiyak na rin.

Mga Hapon naman, nasa Pool area ang Venue ng Bday party ni Evanna. Pang Disney princess ang birthday niya. Dahil first time daw ito ni Evanna na mag bibirthday na may bisita.

"Why your dress is so úgly?"-tanong ni Sabby sa tita Evanna niya na may kasama pang panglalait.

"Ate, si Sabby mo."-pagsusumbong pa nito sakin. Naka Pang Cinderella dress kasi itong si Evanna at pati Cake niya may design din na Cinderella.

"Mommy, im just telling the truth. Cinderella is like a baduý."-Sabby said at nakairap pa. Jusko na batang ito, saan ba ito nagmana.

"Ate, mukhang hindi sayo nagmana ang anak mo. Si Kuya kasi ganiyan din siya, palagi niyang linalait ang mga suot ko."-saad pa ni Evanna.

MY RPW GIRLFRIEND IS MY ROOM MATE (Montenegro Series #1)(UNDER EDITING)Where stories live. Discover now