°°°°Chapter 73°°°°•••Third Person's POV•••
Habang nakikipaglaban ang tatlo ay nagpatuloy naman sa pagpunta sa bahay nila Aling Jacinta ang kalesa kung saan lulan sina Aling WengIlang sandali pa ay nakarating na din sila sa bahay ng nakatatandang kapatid ni Nanay Weng ay nakita nila ang mga nilalang na nasa loob ng bahay ng kapatid nito
Tatlong tikbalang iyon at isang malaking baboy ang nasa loob ng bahay at tila nag wawala ang mga iyon at tila may mga hinahanap sa loob kaya kinabahan si Aling Weng dahil sa inakala nila na napahamak na ang mga iyon
"Tara bilisan po natin,"ani ni Brent sabay baba ng kalesa kaya naman nagsipag sunuran ang mga kasama nila papasok sa loob ng bahay
Sabay sabay na silang bumaba ng kalesa at pumasok sa loob ng bahay para hanapin ang kapatid ni Aling Weng, naghanda na sila para labanan ang mga aswang na nasa loob ng bahay at nagwawala
Hinarap naman nila Aling Weng at Brent ang aswang na malaking baboy habang ang tatlong tikbalang naman ay hinarap nina Tatay Lito, Rene at Ernie, nakipagbuno sila sa mga tikbalang na may malalaking katawan
Naging abala na sila sa pakikipaglaban sa mga aswang na nasa loob ng bahay nila Aling Jacinta, bago nila hanapkn ang kapatid ni Aling Weng
Halos inabot na sila ng ilang sandali mula sa pakikipaglaban sa tatlong tikbalang at sa aswang na malaking baboy
Habang sina Vleane naman ay patakbo ng papalapit sa bahay kung saan nakita nila ang kalesa na nakahinto sa isang may katamtamang laki ng bahay, kaagad silang pumasok para tignan ang kanilang mga kasama
Tinulungan naman nila ang mga na lumaban, si Vleane ay lumapit sa isang tikbalang para tulungan si Tatay Lito at habang sina Lucas ay Jude ay kina Rene at Ernie naman tumulong hanggang sa magapi at mapatay na nila ang mga iyon na halos inabot ng isang oras
Bago nila hinanap ang mag iina na hindi nila alam ay nasa ilalim ng sahig na nagtatago at ng mga sandaling iyon ay nakatulog na ang mga ito
•
•
•
•
•
•
•
•Habang nagpapahinga sila sa loob ng Bahay
Simula ng mapunta kay Vleane ang mutya ay nakaramdam na siya ng karagdagang lakas at kakayahan sa kanyang katawan, maging ang kanyang pakiramdam ay tumalas na din dahil iyon sa mutya ng uling
Nakikita na din niya ang mga nilalang na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao, katulad na lang ng mga diwata at engkanto na nasa paligid nila, sila iyong nagbibigay sa kanya ng babala kapag may panganib o aswang sa paligid nila
"Kailangan na po natin makaalis dito sa lalong madaling panahon,"ani niya na nakasilip sa labas ng bahay nila Aling Jacinta,"Mas marami pa pong mga aswang ang darating lalo na sa kabilugan ng buwan,"
Nakatayo siya habang nakaupo ang kanyang mga kasama, naayos na din nila ang pintuan na nasira ng mga aswang na sumugod doon, sinabi sa kanya ng ilang engkanto at lamang lupa ang mga mangyayari sa susunod na mga araw lalo na sa gabi dahil darating na ang kabilugan ng buwan sa susunod na gabi kaya delikado na sila kung mananatili pa sila doon ng ilang araw at gabi
"Ano ang gagawin natin, Tay?,"tanong ni Aling Weng sa asawa nito,"Hindi tayo kakasya sa karawahe?,"
"Kailangan po natin ng dalawang karawahe o kahit tatlong kabayo po, para makaalis na po tayo,"ani niya sa mga iyon,"May alam po ba kayong bilihan?,"tanong niya
![](https://img.wattpad.com/cover/345405770-288-k18010.jpg)
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...