°°°Chapter 75°°°°°Ilang sandali pa ay nakita na nila ang pagsugod ng mga nasa unahan nila, napakunot noo naman sila ng makita ang ayos ng mga iyon
"Ano ang mga iyan?,"takang tanong ni Ernie habang pinapaliit ang mata at pilit na inaaninag ang mga papasugod sa kanila
"Mga Danag,"saad ni Tatay Lito,"Mga bampirang aswang,"
"Mayroon po bang ganoon?,"takang tanong niya sa katabi,"Ano po ang mayroon sa kanila?,"
"Sila ang mga aswang na bampira. Ang kauna unahang bampira sa Pilipinas,"paliwanag ni Tatay Lito sa kanila,"Dugo ang kanilang pangunahing pagkain, sisipsipin nila ang dugo ng isang tao hanggang sa matuyot iyon at magmukhang kalansay,"
"Paano po natin sila matatalo?,"tanong naman ni Lucas kay Tatay Lito,"Saka po napakarami nila,"
"Sa pagputol ng kanilang ulo at sa pagtarak ng matulis na sandata sa tapat mismong tapat ng kanilang puso,"
"Pero mag iingat tayo,"paalala ni Nanay Weng,"Dahil sa oras na makagat nila tayo ay maaari din tayong mahawaan ngbkanilang pagiging bampirang aswang, umiwas kayo sa kagat at kalmot nila,"
"Opo,"kuro nilamg lahat naiwan sa loob ng karawahe ang mag iina habang si Mang Jaime ay nakabantay lang sa gilid ng karawahe para proteksyunan ang mag iina nito na kababakasan ng takot
"Humanda na kayo!,"babala ni Tatay Lito ng makitang papalapit na sa kanila ang mga Danag na nakaharang sa kanilang daraanan
Makulimlim ng mga sandaling iyon kaya mau lakas ng loob na lusubin at abangan sila ng mga iyon
Mga babae ang mga Danag na sumusugod sa kanila, halos walang suot na damit ang mga iyon maliban sa maliiy na tela na naging takip sa ibabang kaselanan ng mga ito habang kakaibang mga kwintas ang nakasuot sa leeg ng mga iyon na tumatakip sa ibabaw ng kabundukan ng mga iyon na may mga kalakihan at kalusugan
"Ang lulusog!,"natatawang saad ni Jude ng makita ang dibdib ng mga Danag,"Insan, malalaki at malulusog ang mga iyan kaysa kay Vleane,"biro nito sa pinsan kaya napatingin sa mukha niya si Lucas bago sa kanyang dibdib, tinaasan lang niya iyon kilay at nag dirty finger siya sa nobyo dahil sa inis
Tuwang tuwa naman sina Jude at Brent sa nakita nila, habang iiling iling lang sina Lolo Ernie at Lolo Rene sa kakulitan nilang apat
"Umayos ka Jude!,"saway niya,"Isusumbong kita kay Angela, sasabihin ko minamanyak mo ang mga dibdibng mga Danag!,"ani niya sabay smirk sa binata,"Pati ikaw Brent,"sabay ngisi kaya umangal ang dalawa dahil sa sinabi niya
Hindi na niya pinansin ang pagmamaktol ng tatlong binata, hinarap na niya ang mga Danag na sumugod sa kanila, kailangan na nila makaalis doon dahil malapit ng sumapit ang gabi
Alam niya na mas delikado pa ang kalagayan nila kung aabutan sila ng gabi doon habang nakikipag laban samga Danag, gamit ang kakayahan na binigay sa kanya ng Prinsipe ng Engkanto ay mabilis niyang napupugutan ng ulo ang mga Danag, diretsong saksak sa tapat ng puso ng mga iyon ang punyal na binigay sa kanya kasama ang mutya ng uling, lumiliyab ang katawan ng mga bampirang aswang kapag diretso niyang nasasaksak iyon sa puso
(Iyan po ang picture ng Danag o bampirang aswang 👇👇👇👇👇👇)
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
TerrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...