°°°°Chapter 72°°°°Nakakadinig na sila ng sunod sunod na pag alulong ng mga aso sa loob ng Baryo, alulong na nagbabadya ng panganib, takot, trahedya at kamatayan, kaya halos kainin na at lukuban na ng takot ang sistema ng mga taga Baryo lalo na ang mag iinang Jacinta
Magkakayakap sila habang nagtatago sa ilalim ng kanilang bahay, umiiyak ang dalawang anak nito dahil sa takot habang tahimik lang si Lucinda na nakatitig sa kanilang nanay na puro gasgas ang mga braso nito dahil sa pakikipagpambuno sa aswang na sumunggab sa kanya, kaya laking pasasalamat nito na dumating kaagad ang kanilang Nanay
Puro pagbalya at pagwawala ng aswang ang nadidinig nila mula sa taas, sinisira ang kanilang mga kagamitan at hinahanap sila ng mga iyon
Pasalamat nalang sila dahil matibay at makapal ang takip ng kanilang pinagtataguan kaya ligtas sila mula sa mga aswang na nasa labas
Niyakap na lamang ni Jacinta ang kanyang mag anak na noon ay nanginginig na sa takot at umiiyal ng tahimik angmga iyon habang pinagmamasdan lang ang anak na si Lucinda na nakatingala sa pintuan na pilit na sinisira at binubuksan ng mga aswang na nasa loob na ng kanilang bahay
"Nay, ito na po ba ang huling gabi natin?,"mahinang tanong ni Lucinda,"Hindi man lang po natin nakita ulit si Tatay,"tapos ay bigla iyong umiyak habang yakap ang dalawang tuhod
"Magdasal lang tayo mga anak,"ani naman ni Jacinta na hindi maaalis sa kanya ang pangamba para sa kaligtasn nilang mag iina,"Umasa nalang tayo para sa kaligtasan natin,"
Yumakap nalang si Lucinda sa ina kasama ang kanyang mga kapatid na mas humigpit ang pagkakayakap sa isat isa habang nagdarasal sila ng tahimik para sa kanilang kaligtasan para sa gabing iyon at sa isang himala para sa kanilang kaligtasan hanggang sa kinabukasan
•
•
•
•
•
•
•
•Samantala,
Nakahanda na din sa paglaban sa mga aswang ang grupo nila Lolo Ernie at Lolo Rene kasama ang magkakaibigan at ang mga magulang ni Lolo Ernie
Lahat sila ay nakabantay sa bawat isa at nakahanda na sa kanilang pakikipaglaban
Sumenyas si Tatay Lito na humanda na sila dahil pumusisyon na ang mga naglalakihang asbo na susugod sa kanila, umaangil ang mga iyon habang tumutulo ang mga malalapot na laway sa bibig ng mga iyon habang nakalabas ang matatalas, matutulis at naglalakihang mga ngipin ng mga iyon
"Diyos ko po,"anas ni Jude sabay nag sign of the cross ito,"Mamamatay na ba tayo dito?,"
"Hay naku, kuya Jude,"ani ni Brent,"Hindi nga po tayo namatay sa misyon natin na wala po kami, tapos ngayon na marami po tayo ganyan iisipin mo? Paano na po si ate Angela?,"
Sinulyapan lang siya ni Jude sabay ngisi at humanda na kasi may mga papalapit na din sa kanila na sampung asbo
Mayroon din sa magkabilaang gilid nila at sa pasukan ng Baryo kung saan susunduin nila ang nakatatandang kapatid ni Nanay Weng at ang pamilya nito na halos hindi na makalabas sa Baryo dahil sa mga aswang
"Handa na ba kayong lahat?!,"tanong ni Tatay Lito sa kanila
"Opo!,"kuro nila kasama si Nanay Weng na natatawa pa dahil sa mga kasama nila na nag apiran pa
Ilang sandali pa ay abala na sila sa pakikipaglaban sa mga asbo na sabay sabay na sumugod sa kanila habang ang isang nilalang na nasa taas at nakaupo sa bubungan ng kalesa ay nakangisi pa habang pinagmamasdan silang lahat na abala sa pakikipaglaban
Hindi siya makita dahil sa sabulag na kanyang inusal pero nararamdaman siya nina Nanay Weng at Tatay Lito pero hindi siya makilala ng mga iyon dahil sa kanyang kakayahan
BINABASA MO ANG
Aswang Killer: Season 2 of 2
HorrorAno ang naghihintay sa kanilang lahat? Lalo na sa pagmamahalan nina Lucas at Vleane? May hahadlang ba? At sino sino ang bago nilang makakalaban at makikilala sa susunod na kanilang paglalakbay? Magkakawatak watak ba ang pagkakaibigang nabuo sa pagit...