Chapter 71

292 20 4
                                    

Hello po

Kamusta po kayong lahat?

Pasensiya na po kung ngayon lang po ako nakapag update

Last update ko po last January pa pala✌✌🤣🤣

Pasensiya na po talaga, pipilitin ko pong matapos ito

Ingat po kayong lahat

Salamat....

**********

°°°°Chapter 71°°°°

Dahil nga sa nangyari sa isa nilang Kababaryo ay nagpasya na ang ilan na lisanin na ang naturang Baryo dahil sa takot na nararamdaman, dahil baka isang araw kapamilya naman nila ang mabiktima ng mga aswang

Kahit naisin at gustuhin man ng karamihan na umalis doon kagaya ng pamilya nila Aling Jacinta ay wala din sila magawa dahil wala silang ibang malilipatang lugar kaya nanatili nalang sila sa kanilang Baryo at bahay

Isang araw, halos mag aala sais pa lang iyon ng hapon, galing sa isang tindahan sila Aling Jacinta at ang anak nitong si Lucinda

Bumili sila ng kanilang makakain dahil naubusan na sila at hindi pa nakakauwi ang kanilang ama ng ataw na iyon kaya nagpasya silang mag ina na mangutang muna sa tindahan na ilang metro din ang layo mula sa kanilang bahay

"Sige na anak, mauna kana,"pagtataboy ng kanyang Nanay,"Walang kasama ang dalawang
kapatid mo sa bahay,"

"Nay, sabay na tayo,"yaya niya na nakakaramdam na ng takot ng mga sandaling iyon,"Baka mapaano ka po sa daan eh,"

"Mauna kana at susunod ako,"pagtataboy ng kanyang ina kaya wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito

Mabilis na naglalakad si Lucinda pauwi ng kanilang bahay, natatakot siya dahil nag aagaw na ang liwanag at dilim ng mga sandaling iyon, kinakabahan din siya na baka makasalubong niya o ng kanilang Nanay ang nasabing mga aswang

Ikang sandali pa ang nakalipas ay nakakadinig na siya ng mga yabag na pasunod sa kanya na sa akala niya ay ang kanilang Nanay Jacinta na iyon, pabilis iyon ng pabilis habang pasunod sa kanya

"Nay! Nay! Ikaw ba iyan?,"takot niyang tanong habang palinga linga, pero wala siyang makita kahit na anino ng kanyang Nanay

Nang mga sandaling iyon ay halos wala ng katao tao sa paligid, dahil eksaktong alas singko pa lang ng hapon ay nasa loob na ng kani kanilang bahay ang mga taga Baryo dahil sa takot na baka sila naman ang mabiktima ng aswang

Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanilang bakuran, alam niya nasa taguan na ng mga sandaling iyon ang kanyang dalawang nakababatang kapatid, dahil bago sila nagtungo sa tindahan ay pinapasok na nga nila ang nga iyon doon

Pero habang tinatawag niya ang kanyang Nanay ay mabilis na siyang tumakbo at hindi na lumilingon sa kanyang likuran habang tanaw na niya ang kanilang bakuran

Malapit na siya sa kanilang pintuan ng sa hindi niya inaasahan ay may biglang lumundag sa kanyang harapan, isa iyong malaki at maitim na aso, kitang kita ni Lucinda kung paano maglaway ang aso habang nakalabas ang mga matatalas na mga ngipin at matutulis na mga pangil, habang nanlilisik ang mga mapupula nitong mga mata na nakatingin sa kanya

Nang dahil sa gulat at takot, ay nanginginig siyang napahinto sa pagtakbo, napaatras siya pero hindi niya napansin ang isang nakausling bato sa kanyang likuran kaya natumba siya at nabitawan ang gasera na kanyang hawak at ang mga pagkain na kanilang binili

Napapausog siya ng paatras ng makitang nag uumpisa ng humakbang ang malaking aso papunta sa kanya at handa na siyang lapain sa oras na makalapit na iyon sa kanya







Aswang Killer: Season 2 of 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon