Chapter 19⚠️🔞

772 10 0
                                    

Warning⚠️⚠️⚠️ This chapter contains matured content including sexual scenes and strong language. Please skip this part if you may find it comfortable.

Inimulat ko ang mata ko nang maramdaman ko ang matinding pagkauhaw. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Agad akong napaupo sa hinihigaan ko ng magising ako sa hindi ko kwarto.

"Pakshet!" mura ko sa isipan ko ng maramdaman ko ang matinding sakit at hapdi sa pang-ibaba ko. Hayop na Kairo 'yon! Parang hindi ako tinigilan sa sasakyan kagabi kahit tulog na ako. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito.

Bwesit na 'yon! Pagkatapos may mangyari sa 'min, iniwan na akong mag-isa dito. Bakit ba kasi nagpadala ako sa hayop na 'yon kahit na alam ko namang babaero siya.

Is this his room? Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng kwarto dahil sa pagtataka. Hindi ko 'to kwarto, malamang sa kanya 'to dahil halos lahat ng bagay ay kulay black at gray. Malaki ang kwarto niya, mas malaki pa kaysa sa akin. Simple lang naman, nasa gitna ang king size bed niya at katabi nito ay ang bed side table. May malaking sofa naman na kulay itim at may glass table sa harap nito, na nakaharap sa malaking TV.

May dalawang bintana at apat na pinto rito. Ang isa ay ang pintuan ng kwarto, pinto ng cr at mukhang sa walk-in-closet ang isa. Hindi ko alam kung para saan ang isang pinto. Grabe, kahit kurtina ng window kulay itim pati ang kama ay kulay itim.

Dahan-dahan kong inalis ang comforter na nakatakip sa katawan ko. Suot ko ang suot niyang polo kagabi pero wala akong suot na kahit anong undergarments, tanging polo lang niya. Naiihi ako pero paano ako makakagalaw nito kung parang binugbog ang katawan ko. Ni hindi ko pa magalaw ang mga paa ko dahil sa tuwing gagalaw ako mas lalong humahapdi ang gitna ko.

Pinilit kong igalaw ang mga paa ko at paunti-unti itong ibinaba sa sahig. Dahan-dahan akong tumayo ngunit ganoon na lamang ang sakit na naramdaman ko ng bumagsak ako sa sahig.

Tangina! Ang sakit, nakadapa ako ngayon sa sahig dahil hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa ko at nawalan ako ng balance. Paano na ako ngayon nito? Sound proof ang kwarto ni Kairo kaya kahit sumigaw ako ng malakas hindi ako maririnig, tapos hindi ko magawang gumalaw dahil sa sakit at hapdi na nararamdaman ko.

Hindi ko naman akalain na ganito pala ang mangyayari sa 'kin kapag nakipagtalik ako kay Kairo. Hindi ko alam na ganito ka grabe ang epekto sa 'kin.

"What the fuck?" Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang baritunong boses na nanggagaling doon.

Mistulang nabuhayan ako ng loob nang makita ko si Kairo na may bitbit na tray na may lamang pagkain na gulat na nakatingin sa 'kin. Dali-dali nitong nilagay ang bitbit sa bed side table at agad na lumapit sa 'kin.

"What the fuck happened to you?" inis na tanong nito at binuhat ako ng walang kahirap-hirap pabalik sa kama.

"Naiihi ako," mangiyak-ngiyak na sagot ko sa kanya

"You should have wait for me, look what happened to you."

"Akala ko kasi umalis ka na kasi ganoon naman ang ginagawa mo sa mga babae mo pagkatapos mo sa kanila," nakayuko kong sagot sa kanya

"Tangina!" mahinang bulong nito at bumuntong hininga. "You're not one them, you're my wife and...my best friend. Kung isa ka sa kanila, hindi na sana kita dinala dito sa kwarto ko."

"Naiihi ako."

"Tangina! Sa haba ng sinabi ko 'yan lang ang sasabihin mo," inis na sagot nito bago ako buhatin ulit.

"Mas mahaba naman ang sa 'yo," saad ko sa utak ko.

Ano ba ang nangyayari sa'kin, jusko! Nagiging marumi na ang utak ko. Binuksan niya ang pinto ng cr gamit ang isang kamay niya habang ang isa ay buhat-buhat ako. Ganoon na ba ako kagaan para buhatin niya gamit ang isang kamay.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon