Napalingon rin ang ibang police sa gawi nila ng marinig ang sinabi ni Kairo.
Natatarantang tumayo ang police na kaharap ni Justine at bahagyang yumuko kay Kairo."S-Sir pasensya na po at hindi po namin kayo nakilala," paghihingi ng despensa nito
Habang si Justine naman ay naguguluhan sa inasal ng police.
"Can we go home now? " malamig na tanong ni Kairo.
Halos manginig naman ang police habang paulit-ulit na tumango.
"Ah 'di ba may aasikasuhin pa ang abogado ko bago ninyo ako payagang umalis?" nagtatakang tanong ni Justine sa mga police
"Naku ma'am pwede na ho kayong umuwi. Utang na loob, sumama na kayo kay sir," halos nagmamakaawang saad ng police sa kanya kaya dali-dali siyang sumunod kay Kairo na nauna ng lumabas.
Grabe nga talaga ang koneksyon ni Kairo dahil kahit sa batas ay may kapit.
"Get your ass here."
Hindi siya sumagot at tumabi na lang kay Kairo sa passenger seat.
Tahimik lang na nagmamaneho si Kairo pero nakikita niyang galit ito sa nangyari dahil lumalabas ang mga ugat nito sa kamay habang mahigpit na nakahawak sa steering wheel ng sasakyan.
"Kairo," mahinang tawag niya rito
"Don't talk until I said so."
Tumahimik na lang siya hanggang makarating sila sa mansion.
Nauna itong bumaba ng sasakyan at hindi man lang pinark ng maayos ang kotse niya sa parking lot, palatandaan na galit nga talaga ito.
Mabibigat ang hakbang na sumunod siya kay Kairo papasok. Naabutan niya itong naninigarilyo at kasalukuyang nagsasalin ng alak, ito ang palaging ginagawa ng kaibigan sa tuwing kinokontrol niya ang sarili niya.
"Fucking start explaining now Justine."
Kung nakakamatay lang ang tingin malamang ay nakabulagta na siya ngayon sa sahig.
"N-Nabangga k-ko i-iyong co-concrete barrier," nauutal na sabi niya
"Then? That's it? "
Napakamot na lang sa noo si Justine ng marinig ang sinabi nito.
"Eh kasi nga bahagya na akong nahihilo kanina at sumuka na rin ako sa daan kaya nagmadali akong magmaneho, tapos may biglang tumawid na aso kaya sa concrete barrier ko naibangga ang sasakyan ko pero sasakyan ko lang naman ang nasira at ayos lang naman ako," paliwanag niya at medyo nabawasan ang kaba ng makitang bahagya ng kumakalma si Kairo.
"Can you please be a little careful next time? Look, hindi lang kita kaibigan dahil asawa na kita ngayon at obligasyon kong alagaan at protektahan ka pero paano ko 'yun magagawa kong ikaw mismo ang nagpapahamak sa sarili mo."
Mahinahon na ang boses ni Kairo pero mapapansin pa rin sa kanya ang pagiging seryoso.
"Sorry, Kai. Promise sa susunod hindi na ako iinom ng marami," guilty na sabi niya at umupo sa tabi nito
"Remember what are the stardards you posted Justine, alalahanin mo ang mga katangian na gusto ko para sa magiging asawa ko. At ang ginawa mo ngayon ay sobrang layo sa inaasahan ko sayo."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at pinaglaruan ang mga daliri niya sa kamay.
"You are my standard wife at huwag mo sanang sirain 'yon."
Nanatili siyang tahimik at hindi man lang nakasagot sa mga sinabi ni Kairo.
"Act like my standard wife hindi iyong halos gabi-gabi ka na lang uminom at dinaig mo pa ako," sermon ni Kairo sa kanya
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...