Chapter 58

778 8 3
                                    

Justine's POV

"Pwede ba? kaya ko 'tong akyatin, tumigil ka nga," asar na saad ko kay Kairo.

Nasa harap kami ng puno ng bayabas at naghahanda na sana ako para umakyat at kumuha ng bunga pero nakahawak si Kairo sa bewang ko. Kanina pa kami rito at naiinis na ako dahil ayaw niyang pumayag na umakyat ako. Hindi naman masyadong mataas at may mga sanga namang makakapitan kaya hindi mahirap akyatin pero nagmamatigas si Kairo at ayaw akong bitawan.

"I told you that's too dangerous. Paano kung maputol ang sanga n'yan?" naiinis na rin niyang ganti

Sumama ang tingin ko sa kanya at lumayo ng kaunti saka nameywang sa harap niya. Humalukipkip naman siya at tila walang pakialam sa titig ko, nanatili siyang nakaharang sa paanan ng bayabas at nakatalikod dito na para bang naghahanda kung sakaling subukan ko na namang umakyat.

"Gusto ko ngang kumuha niyan. Kung ayaw mo akong umakyat edi gumawa ka ng paraan para makuha iyan na hindi inaakyat," inis na sagot ko.

"My own way? That's easy," mayabang na sagot niya na ikinakunot ng noo ko.

Easy? Ano na naman kayang gagawin nito. Sigurado naman akong hindi siya aakyat at lalong hindi siya marunong gumamit ng panungkit kaya paano niya makukuha ang bayabas sa madaling paraan.

Kung hindi ba naman kasi siya OA edi sana nakakain na ako ng bayabas ngayon at nakababa na sana sa puno.

"Ano naman ang gagawin mo aber?"

"Move, dwarf..."

Sinunod ko ang sinabi niya at bahagyang lumayo. Mas lalong kumunot ang noo ko nang may kinapa siya sa likuran ng damit niya habang seryosong nakatitig sa 'kin.

"Kairo, oh my gosh! Anong gagawin mo? Itago mo 'yan! Nababaliw ka na ba?" natatarantang sabi ko at lumapit sa kanya nang may inilabas siyang caliber 45 galing sa likuran ng damit niya.

"You want that guava right? I'll give that to you using my own way."

"Ano ka ba? Sinabi kong gumawa ka ng paraan pero hindi ganito. Paano kung may matamaan kang tao o baka may makarinig sa putok ng baril. Susko! Magkakaproblema tayo kapag may tinamaan ka," problemadong sagot ko at hinawakan ang kamay niyang may hawak ng baril.

Sinabi ko sa kanya na gumawa siya ng paraan pero hindi ganito. Kinakabahan ako, paano kung may matamaan siyang tao o may mga makarinig tapos nanggaling sa amin ang putok.

"Easy, dwarf. That won't happen. I am a sharp shooter, a sniper. Stick nga ng sigarilyo kaya kong tamaan, ito pa kaya. I have also a silencer, don't worry," nakangising saad niya at may inalabas na silencer galing sa bulsa niya saka iyon ikinabit sa baril.

"Kairo, may tunog pa rin 'yan at saka all this time may dala kang baril at silencer?"

"In case of emergency, I have my gun wherever I go."

"Patong-patong na talaga kasalanan mo sa akin. Humanda ka talaga mamayang gabi pag-uwi natin sa bahay. Uuwi ka bukas ng Manila kapag hindi mo naayos lahat," nanggigigil na saad ko.

Hindi siya sumagot at tinuon ang atensyon sa bunga ng bayabas. Napapikit ako ng tinira niya ang nagkukumpulang bunga at sa isang iglap lang ay nagsihulugan ang mga ito sa lupa. Pagkatapos niyang tumira ay may kinalikot siya sa baril niya at muli itong isinuksok sa likuran ng damit niya. Nanatili ang masamang tingin ko sa kanya habang isa-isa niyang pinupulot ang mga bunga na nahulog.

"Here, don't be mad. You want this guava right? What my baby wants, my baby gets. By hook or by crook."

Inikutan ko lang siya ng mata at tinggap ang binigay niyang bayabas. Tinalikuran ko lang siya at nauna ng naglakad habang bitbit ang mga ito at hawak ang tali ni Roro sa kabilang kamay.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon