Chapter 32

695 10 0
                                    

"Tesoro mio..."

Kunot-noong nilingon ko si Kairo nang magsalita na naman siya ng lengwaheng hindi ko maintindihan. Nakaupo ako at nakasandal sa headboard ng kama habang si Kairo ay nakayakap sa may bandang tiyan ko.

"Huh? Pwede ba, english at filipino lang ang naiintindihan ko, huwag kang mag spanish," asar na saad ko sa kanya.

Hindi naman ako tulad niya na iba't ibang lengwahe ang alam. Lumaki siya sa ibang bansa at kinalakihan niya ang pag-aaral ng iba't ibang lengwahe. Naging fluent lang siya sa wikang filipino dahil sa mommy niya.

"I said, my darling," malambing ang boses na saad nito.

Gulat na nilingon ko siya dahil sa tono ng pananalita niya. Hindi ako sanay dahil kadalasan ay mapang-asar, masungit at galit ang palagi niyang tono, samantalang ngayon ay puno ng pag-iingat at lambing. Idagdag pa ang tawag niya sa 'kin, my darling. Masyadong cringe, hindi bagay sa kanya. Barako at buo kasi ang boses ni Kairo.

"Eww cringe mo naman."

"What should I call you then?" ganting tanong niya sa 'kin.

"Edi Justine! napaka simple," umiirap na sagot ko

Bumangon ito at humarap sa 'kin saka paulit-ulit na umiling bago sumagot."No, I want to have an endearment."

"Dami mo namang arte, ganyan ka pala kapag in love. So cringe," nanunukso kong sagot sa kanya. Napaatras naman ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin at kaunti nalang ay magtatama na ang ilong naming dalawa.

"Ano ba naduduling ako," asar na sagot ko at inilayo ang mukha niya sa 'kin.

"How about I call you dwarf? My baby dwarf," nakangising tanong nito.

Sumama naman ang timpla ng mukha ko. Alam ko kung bakit dwarf ang itatawag niya sa 'kin. Isasali na naman niya ang height ko, porke't nasa lahi nila ang matatangkad.

"Nakikita mo ba 'to?" itinaas ko ang kamao ko at kunwaring isusuntok sa mukha niya, "tatama to sa mukha mo kapag hindi mo 'ko tinigilan," patuloy ko.

"Come on, dwarf. Your punch won't hurt me. You can punch me if you want." Itinaas niya ang manggas ng t-shirt niya at kinuyom ang kamao na parang fliniflex ang biceps. Hindi ko maiwasang mapatitig ng husto sa biceps niya. Damn! parang ang sarap magpa headlock o hindi kaya gawin 'yung trend sa tiktok. Biceps pa lang ni Kairo, nakakaakit na. Lalo na kapag na flexed ang muscles niya tapos litaw na litaw ang tattoo niya sa braso.

"You're drooling," nakangising sabi niya kaya iniwas ko ang tingin ko doon.

"Kairo, pwedeng pakagat?" Hindi ko alam kung bakit ko 'yon natanong pero baka nanalo ang intrusive thoughts ko

"What?" naguguluhang tanong nito.

Hindi ko na siya sinagot at inilapit ang bibig ko sa braso niya saka ito kinagat ng malakas. Buong pwersa ko itong kinagat kaya napasigaw siya sa sakit. Itinulak naman niya ang noo ko ng malakas at sunod-sunod ang pinakawalang mura. Bumitaw ako at tinitigan ang braso niyang namumula.

"What the actual fuck is your problem?" inis na tanong nito na tila pinipigilan na sigawan ako habang hinihimas niya ang braso niya.

"Sorry, nanggigil kasi ako eh," nakanguso kong sagot sa kanya.

"Look at this," turo niya sa braso niya na bakas ang mga ngipin ko.

"Sorry na nga eh."

"Don't talk to me," kunwaring nagtatampo ang boses niya at tumalikod sa 'kin.

Nak ng! Nagdradrama ba 'to? Gusto yatang magpasuyo ang mokong, nagiging baliktad yata ang ikot ng mundo.

"Sorry na, wuyy!" pangungulit ko pero nanatili itong nakatalikod at hindi sumagot sa 'kin. Nakangusong lumapit ako sa harap niya at humiga saka ginawang unan ang kandungan niya dahil nakaupo pa rin kami sa kamang hinihigaan namin kanina. Bumaba naman ang tingin niya sa 'kin habang mababakas pa rin sa mukha ang inis.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon