Chapter 7

502 8 0
                                    

Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko habang iniisip ang mga sinabi ni Kairo. Kanina pa bumabagabag ang mga salitang binitawan niya sa 'kin kanina, mga salitang hindi ko akalaing maririnig ko galing mismo sa kanyang bibig.

Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ako pwedeng mahulog sa kanya?

Pero sa totoo lang tama ang sinabi niya, kung gusto kong isalba ang friendship namin ay dapat ngayon pa lang ay pigilan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya.

Ito naman talaga ang kadalasang kinatatukatan natin, ang mahulog sa kaibigan natin, na hindi ka kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya.

Teka nga bakit ba tungkol sa pagmamahal ang iniisip ko eh hindi ko naman mahal si Kairo at imposibleng mahalin ko siya dahil matalik na kaibigan lang ang turing ko sa kanya kaya ano ang hinuhugotan ko.

Nababaliw na siguro ako.

Matapos kong mag-isip ng kung ano-ano ay bumaba ako sa kusina para magluto ng kakainin namin dahil baka sa sobrang pag-iisip ko ng kung ano-ano ay makalimutan kong kumain at baka ako pa ang kainin ng buhay ni Kairo.

Oh 'wag masyadong green dahil literal ang ibig kong sabihin at hindi ka manyakan.

"What are you cooking?" napahawak ako sa dibdib ko dahil may biglang nagsalita sa likod ko

"Ano ba Kairo papatayin mo ba ako sa gulat? " inis na tanong ko sa kanya at saka siya inirapan

Sino bang hindi magugulat kung ikaw lang mag-isa sa kusina tapos may biglang nagsalita na hindi mo man lang narinig ang tunog ng yapak na galing sa sapatos niya.

"I'm sorry."

Saan ba siya humihingi ng tawad sa panggugulat niya sa akin o dahil sa mga sinabi niya sa 'kin kanina?

"Umupo ka na riyan at malapit na 'tong matapos."

Walang salitang sinunod niya ang sinabi ko saka tumingin sa akin na hinahanda ang kakainin namin at ang lamesa.

Hindi mo aasahang tutulungan ka ni Kairo dahil sanay iyang siya ang pinagsisilbihan. Kahit nga yata tao sa daan na kailangan ng tulong ay hindi siya mag-aabalang tulungan ito kahit pa nakabulagta na sa sahig.

Puputi na lang ang mata mo sa kakahintay ng tulong ni Kairo.

"Siya nga pala Kairo may karera pala ako mamaya," pagpapaalam ko sa kanya habang kumakain kaming dalawa

"Sure, but go home immediately after your race understand?" sagot niya at inangat ang tingin sa akin

"Akala ko ba- sabi ko nga."

Hindi ko na natuloy ang una kong sasabihin dahil sa mga tingin niya. 'Yung tingin niya kasi parang sinasabi na "makuha ka sa tingin" na kung kokontra ka ay may gagawin siyang hindi maganda.

"May aayusin lang ako sa organisasyon ko at babalik rin ako agad."

Tumango lang ako habang hinuhugasan ang mga pinagkainan namin.

Nang matapos kong hugasan ang mga kubyertos na ginamit namin ay naupo muna ako sandali habang hinihintay ang oras para makapaghanda sa karera ko mamaya.

Ilang sandali pa ay nagpasya na akong magbihis dahil ayokong mahuli ako at medyo malayo-layo pa ang byahe ko papunta sa race track. Bago umalis ay nagpaalam muna ako sa tauhan ni Kairo at nakisuyong sabihan na lang si Kairo na umalis na ako papunta sa karera ko.

Habang nagmamaneho ay nakikinig lang ako ng kanta sa earpods ko na ikinonekta ko sa cellphone ko. Dati pa lang ay gusto ko ng makinig ng music habang nagmamaneho dahil feeling ko nawawala ang stress ko.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon