Chapter 35

705 13 0
                                    

"Matagal ka na pala sa pamilya nila Kairo, ngayon lang kita nakilala," saad ni Justine kay Querencia

Ilang sandali lang pagkaalis ni Kairo ay dumating ang doctora para muling i-check ang mga sugat niya. Gaya noong huli nilang pagkikita ay mabait at palangiti ito sa kanya.

"Palagi lang kasi akong nasa hospital. Alam mo na, duty... Pumupunta lang ako dito kung pinapatawag ako ni Kuya Kairo," saad nito at patuloy na chinicheck ang sugat niya.

"Mabait ba sayo si Kairo?"

Huminto naman saglit ang doctora at tiningnan siya, "Hmm, hindi ko alam kung masasabi ko ba na mabait siya kasi hindi naman siya palakibo at palasalita sa 'kin. Kinakausap niya lang ako kapag may kailangan."

Napahinto naman si Justine at hindi makapaniwalang tinanong siya, "Talaga? Hindi ba'it high school ka pa lang ay sina dad na ang nagpaaral sayo. Bakit hindi kayo close ni Kairo?" curious na tanong niya

Umiling-iling naman ang doctora at umupo sa harap niya. Tapos na itong linisin ang mga sugat niya. "You know kuya Kalix right? Hindi siya 'yung tipo na mahilig makipaghalubilo sa iba. Palagi lang siyang nasa loob ng opisina niya o hindi kaya ay nasa bar. Simula nang maipatayo ang mansion na 'to ay hindi na siya umuuwi sa bahay ni tito, kaya minsan lang kami magkita. " muling ngumiti ito kay Justine at hinawakan ang mga kamay niya. "Masaya ako na ikaw ang pinakasalan ni kuya. Unti-unti na siyang nagbabago. Binigyan mo ng kulay ang buhay niya, unti-unti ng lumalambot ang bato niyang puso."

Nanatiling tahimik si Justine at pinakinggan ang mga sinasabi ng doctora. Hindi niya alam ang isasagot niya sa mga sinabi nito. Totoo nga ba na unti-unti niya ng binabago si Kairo? Lumalambot na nga ba ang lalaki dahil sa kanya?

"Justine, habaan mo sana ang pasensya mo kay Kuya Kalix. Ikaw lang ang pinapakinggan at sinusunod niya. Sayo lang niya pinapakita ang totoong siya kaya sana huwag mo siyang iiwan. May mga sikreto pa siyang hindi sinasabi sayo pero sana ay pagkatiwalaan mo siya," muling saad nito.

Kumunot naman ang noo niya at nalito sa sinabi ng doctora, "Anong sekreto, Quer?"

Umiling naman ang doctora bago sumagot. "Basta, magtiwala ka lang sa kanya. Aalis na ako," paalam nito.

"Teka lang," hindi niya na natapos ang sasabihin nang lumabas na ang doctora sa pinto at hindi siya pinatapos.

Puno ng tanong ang utak niya kung ano nga ba ang sekretong sinasabi ni Querencia. May hindi pa ba binabanggit si Kairo sa kanya. May tiwala naman siya sa lalaki pero hindi niya maintindihan kung bakit ito sinabi ng doctora sa kanya.

Possible kayang marami pa siyang hindi alam kay Kairo? Matagal na silang naging magkaibigan bago ikasal at halos naikwento na ni Kairo ang lahat sa kanya, kahit pa ang mga pinagdaanan nito.

"What are you thinking?"

Napahawak siya sa dibdib niya nang marinig ang baritonong boses na nanggagaling sa pintuan.

"Kanina pa ba d'yan?" tanong niya kay Kairo. Nakalagay sa magkabilang bulsa nito ang mga kamay at nakasandal sa pintuan ng kwarto niya. Isinara nito ang pinto at lumakad papunta sa kanya.

"What are you thinking, hmm?" saad nito at humiga, ginawa pa nitong unan ang hita niya.

"Iniisip ko kung paano ka hihiwalayan na hindi namamatay," pang-aasar niya dito. Sumama naman ang timpla ng mukha nito at inis na tiningnan siya.

"That won't happen. I will lock you if you'll going to leave me," banta nito sa kanya.

"Saan? Sa basement?" pang-iinis pa niya.

"No, I'll lock you in my room, then tie you in my bed," nakangising sagot nito

"Anong itatali?"

Bahagyang inangat ni Kairo ang katawan niya at inilapit ang bibig sa tenga ni Justine,  "I'll tie you, then I'll fuck you until you get pregnant so that you cannot leave me. You'll carry my child wherever you will go," bulong nito at bahagyang kinagat ang tenga ng dalaga

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon