Kanina pa kami nakatambay dito sa park at parang wala yatang balak na pumunta sa company si Kairo. Hanggang ngayon ay mukhang mainit pa rin ang ulo niya sa daddy niya dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag nito.
"Kairo," tawag ko sa kanya na siyang ikinalingon niya sa akin
"Bar tayo mamaya," aya ko sa kanya dahil namimiss ko ng pumunta sa mga bar na kasama siya.
"Sure, I'll follow you after my transaction."
Kairo is a mafia boss at ang pangunahing negosyo niya sa mafia ay mga armas at dyamante na galing pa sa ibang bansa.
He's freakin' rich kaya halos lahat ng mga kababaihan na nakakakita at nakakakilala sa kanya ay siguradong handang ibigay ang pinagkakaingatan nila para lang makuha si Kairo. Idagdag pa ang perpektong mukha at katawan nito na kahit sinong babae na makakakita rito ay mababaliw talaga.
Okay fine, aaminin ko na isa ako sa kanila noong unang kita ko sa kanya dati sa club pero ng maging kaibigan ko siya at mas lalo ko siyang nakilala, naging normal na lang sa akin ang makita siyang walang damit pang-itaas. Isa pa nakaka turn-off kaya 'yung pagiging babaero niya.
"Wait, you have a race right? "
Napatampal ako sa noo ng maalalang may karera pala ako mamayang gabi at kailangan ko pang-itesting ang gagamitin kong sasakyan.
"Nakalimutan ko! Damn! kailangan ko na palang umuwi, Kairo. Itetesting ko pa ang sasakyan ko."
Napailing na lang siya at inayos ang damit niya saka siya tumayo.
"You still single and young, yet you're becoming forgetful. That's very bad, witch"
Ito na naman nagsisimula na namang mang-asar ang siraulong 'to.
"Che! Bakit ikaw may girlfriend ka ba? "
Kapal ng mukhang asarin ako 'kala mo naman may serious girlfriend siya.
"None, but at least I have a lot of flings. Hindi rin ako makakalimutin."
Umirap lang ako at agad na sumakay sa sasakyan ko dahil baka mapikon ako at masakal ko ang gagong 'to.
Mag-isa na lang ako habang nagmamaneho pauwi sa bahay dahil magkaiba ang daan na tatahakin namin ni Kairo. Nasa city lang ang bahay ko habang ang kay Kairo naman ay medyo malayo dahil nakatago ito at napapalibutan ng mga puno.
Trust me 'yung bahay niya ay parang mas malaki pa sa malacañang palace. Base sa nalaman ko ay umabot sa bilyon ang mansion niya dahil sa sobrang laki, may basement pa ito sa ilalim, pero nasa ilalim naman talaga ang basement alangan namang nasa itaas edi rooftop na 'yun.
Pfft! Pangit ng joke ko.
Dumiretso kaagad ako sa garahe ng bahay ko 'pag uwi ko. Hindi gaya ng kay Kairo ay medyo maliit lang ang bahay ko dahil ako lang naman ang nakatira pero sobrang laki ng garahe dahil sa mga sasakyan na ginagamit kong pangkarera at sa mga sasakyang napanalunan ko.
Ehem! Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi pa ako natatalo pagdating sa karera pwera na lang kung si Kairo ang kalaban ko dahil hindi ako kinikilalang kaibigan no'n 'pag nasa race track kami.
Nong una ay inis na inis talaga ako sa kanya dahil biruin mo ako ang tinaguriang "Flash" ng underground racing pero ng dumating si Kairo ay inagaw niya ang trono ko. Grabe ang galit ko sa kanya nong natalo niya ako tapos idagdag pa na inaasar niya akong iyakin daw.
Sino ba ang hindi iiyak no'n eh ang matagal kong inaalagaang pangalan sa race track ay sinira lang ni Kairo "take note" kaibigan ko na siya nong mga panahong 'yun. Imbis na magpatalo ay mas lalong ginalingan.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...