Chapter 46

761 10 10
                                    

Nagising ako nang may maramdaman akong dumapo sa pisngi ko. Hindi ako dumilat at nanatili pa ring nakapikit. Hindi ko alam kung ilang oras lang ang tulog ko dahil madaling araw na ako nakatulog sa pagbabantay kay Kairo. Nakaupo lang ako sa upuan at nakapatong ang ulo ko sa kama na hinihigaan ko.

"Ano ba! Natutulog 'yung tao," inis na saad ko nang may dumampi na naman sa pisngi ko. Inangat ko ang ulo ko habang kinukusot ang mata ko pero agad ring napatigil nang bumungad sa 'kin ang gumagawa non

Nanlaki ang mata ko at agad na napatayo sa kinauupuan ko dahil bumugad sa 'kin si Kairo na gising na at nakaupo habang pinapanood ako.

"Kairo, oh my god! Gising ka na," tili ko at agad na yumakap sa kanya. Muntik pa akong mapatalon dahil sa sobrang tuwa.

"Fuck! Ouch wife!" mura nito. Agad naman akong lumayo nang matamaan ko ang sugat niyang nakabenda.

Tumayo ako at tiningnan siya na may halong pag-alala. "Maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nahihilo? Teka sandali tataw— " hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang pinutol niya ito.

"Easy, dwarf. I'm okay," nakangiting putol nito sa sasabihin ko.

Bwesit! Nakakainis ang isang 'to! Tinamaan na nga siya nakangiti pa rin sa 'kin, samantalang ako kulang nalang himatayin sa kaba at takot.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang dibdib niya na tinamaan. Nang mapansin niya ang pagtitig ko roon ay nawala ang ngiti niya at bumalik sa pagiging seryoso. Mas gusto ko pang ganito ang mukha niya kaysa kagabi na nanghihina at namumutla.

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang unti-unting paghapdi ng mata ko. Siguro dahil na rin sa tuwa na nagising na siya kaya naiiyak na naman ako.

"Come here," utos nito sa 'kin.

Hindi ako nakinig at tumalikod lang sa kanya para punasan ang mga luha ko. Paulit-ulit na suminghot ako at pinahid ang mga butil ng luha na dumausdos pababa galing sa mata ko.

"Come here, dwarf, don't make me repeat myself," masuyong saad nito sa 'kin pero mababakas pa rin ang matigas at baritonong boses niya.

Nilingon ko siya habang sumisinghot at nakitang marahan niyang pinapagpag ang kama sa kaliwang bahagi niya. Walang salitang naglakad ako papunta roon at tumayo sa gilid niya. Siya naman ay nakatitig lang sa 'kin at hindi gumagalaw mula sa posisyon niya kanina.

"Come here, hug me," muling dagdag niya at inextend ang kaliwang braso niya na waring nagsasaad na yakapin ko siya.

Umiling ako at nanatili sa gilid niya. "Baka masagi ang sugat mo, ayaw ko," tugon ko sa kanya.

"It's fine, just hug me on my stomach," pamimilit pa niya.

Hindi ako sumagot at dahan-dahang tumabi sa kanya, malaki ang kama na hinihigaan niya at kasya pa kaming dalawa kaya pwede pa akong tumabi. Dobleng pag-iingat ang ginagawa ko para hindi magalaw o masagi man lang ang sugat niya. Natatakot akong pareho kanina ay masaktan na naman siya.

"Why my baby is crying hmm?" tanong niya sa 'kin matapos kong tumabi sa kanya.

Yumakap ako sa kanya at ibinaon ang mukha ko sa tiyan niya. "Akala ko iiwan mo nako. Nakakainis ka, alam mo ba 'yon? Muntik na akong mahimatay sa sobrang takot nang makita kita kagabi sa ganong kalagayan," mahinang sagot ko sa kanya

"I'm still alive and kicking, dwarf, stop crying . Hindi ako mamamatay, not now. Ayaw kong mag-asawa ka ulit," tugon nito na nagpaangat ng tingin ko sa kanya.

"Narinig mo ako?" gulat na tanong ko

Ngumisi naman siya at pinunasan ang butil ng luha na tumulo galing sa mata ko. "Of course, from the moment you started crying until you ask Vlad to not close the curtain."

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon