Chapter 41

621 10 1
                                    

"Boss," saad ni Demitri at magkasabay silang lima na yumuko sa harapan ng boss.

Tumango naman si boss at muling umupo sa swivel chair niya. "Demitri, you will guard Justine tonight until we get home, together with this four," saad ni boss sa kanila

Tahimik lang akong nakikinig habang ang lima ay nakatayo lang sa harapan niya. Gaya nila ay naghihintay din ako kung ano ang i-uutos ni boss. Wala pa naman siyang binibigay na kahit anong trabaho sa 'kin pwera sa pagtawag sa limang capo.

"Keep an eye on her. She is not allowed to go out tonight. No one is allowed to enter my room or my wife's room. You will wait outside. And lastly," bahagyang huminto si boss at tiningnan sila isa-isa "Do not touch my wife, unless it is fucking needed. I will kill you if you disobey me," mariing saad ni boss na may halong pagbabanta.

Kahit ako napangiwi sa sinabi niya, ang boses at salita niya ay puno ng awtoridad na kahit sino ay hindi gugustuhing lumabag. Si boss ang tipo ng tao na ayaw na nilalabag at hindi sinusunod ang gusto niya. Siya ang batas. Kung ano ang sinabi niya, 'yon ang masusunod. Ayaw na ayaw niya na inuutusan at dinidiktahan siya sa mga desisyon niya sa buhay. Kaya nga nagtataka ako kung paano siya nakokontrol ni Miss Justine.

"You can now go, except for Demitri and Uno," saad niya sa mga ito.

Bakas sa mukha ni Demitri ang pagtataka kung bakit siya pinaiwan ni boss pero kahit ganoon, nanatili siyang tahimik at tuwid na nakatayo sa harapan ni boss.

Pag-alis ng apat ay seryosong tiningnan ni boss si Demitri bago nagsalita. "Demitri, aside from my underboss and consigliere, I also trust you. You are one of my most trusted men, you are my childhood friend, a brother to me," huminga ng malalim si boss bago nagpatuloy "From now on, you will be the head of security for my wife. Your job is to protect her at all cost. I know I can trust you on her safety."

"Maaasahan mo ako, boss," tanging sagot nito

"Good, you can go now. Start your job."

Tumango naman si Demitri at yumuko sa harapan ni boss bago naglakad paalis. Gaya namin ni Drake ay malaki din ang tiwala ni boss sa kanya, mas nauna pa siya na dumating sa amin sa Divinchie Famiglia. Kinupkop siya ng ama ni boss simula pa noong sampung taon pa lang siya kaya tinuring na rin siyang kapatid ni boss.

"Uno, what's the news from La Famiglia Integrale," baling ni boss sa 'kin.

"Nagpadala ulit sila ng sulat, boss. Desidido silang makaharap si Miss Justine," sagot ko sa kanya at kinuha ang itim na envelope sa bulsa ng suit ko.

Tinanggap ni boss ang envelope at inis itong binuksan. Nakita ko kung paano siya magtiim-bagang pagkatapos basahin ang sulat. Niyamukos niya ang papel at inis na itinapon sa gilid niya.

"Who the fuck they are to tell me what to do," galit na saad niya. Nanatili akong nakatayo at nakatingin lang sa kanya na halos lumitaw ang ugat dahil sa galit.

"They want me to present Justine until this month. If I won't, they will tell my grandfather and they will declare war," muling saad nito ay kinuyom ang mga kamao.

"Boss, marami ang madadamay kung magkakaroon ng gulo ang dalawang malalakas na organisasyon sa Asya at Europe. Maraming buhay ang masasayang," saad ko sa kanya.

Kung sakaling magdedeklara ng digmaan si boss laban sa La Famiglia Integrale, dadanak ang dugo. Maraming buhay ang mawawala lalo na't kapag nagsimula nang pumatay ang isang panig, gaganti ang kabila. Walang titigil hangga't may natitirang buhay sa organisasyon.

"What do you want? Bring Justine in front of them. She is not part of any mafia organization, they won't accept her," mariing sagot ni boss sa 'kin.

"Boss, baka naman gusto lang nilang makita ang Mafia Mistress."

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon