Chapter 63

332 9 0
                                    

Grabe! Ang bilis ng araw, hindi ko namalayan na mag i-isang linggo na pala kami rito sa Negros. Parang kahapon lang noong nag propose sa 'kin si Kairo. May pasabi-sabi pa siya dati na hindi siya luluhod kahit kanino, sa akin lang pala mawawala ang angas niya haha.

Ngayon na kami uuwing Manila, nakakalungkot lang dahil hindi kami masyadong nakapamasyal. Hindi kami nakapunta sa Canlaon, which is dream destination sana namin dito sa Negros. Hindi kasi kaya sa oras at medyo malayo mula rito. Bukas pa sana ang uwi namin at supposedly, ngayon kami pupuntang Canlaon. Kaso nga tumawag si dad kagabi na may natanggap siyang sulat galing sa La Famiglia Integrale kaya nag desisyon nalang ako na umuwi ngayon.

Nag-away pa sa tawag si Kairo at si dad dahil nagalit si Kairo sa pangungulit ng La Famiglia at sa mga sinabi ng daddy niya. Masyado na raw matigas ang ulo ni Kairo, na kahit siya ay hindi na sinusunod. Mabuti nalang at nasa tabi niya ako kagabi dahil sigurado akong lalaki na naman ang away nila kung hindi ko inawat si Kairo.

"Are you done?"

Nilingon ko si Kairo na buhat na ang mga maleta namin at handa na para lumabas ng kwarto.

"Hmm, wala na akong naiwan. Ikaw ba?" balik na tanong ko sa kanya

"Likewise, let's go. They're waiting downstairs," sagot niya at pinauna akong lumabas bago isinara ang pinto.

Pagbaba namin ay naabutan ko sina nanay at ang mga tauhan ni Kairo na handa na at kami nalang ang hinihintay.

"Nanay," tawag ko sa kanya at lumapit sa harap niya

"Hija, mag-iingat ka roon. Tawagan mo kaagad ako kung may problema. Kapag hindi ka masyadong busy ay dumalaw kayo rito at sana naman sa darating na kasal niyo aba'y naroon na kami, magtatampo talaga ako sayo. Huwag masyadong pasaway kay Kalix at baka ibalik ka niya'n sa amin," pabirong saad ni nanay at niyakap ako ng mahigpit.

Pinadyak ko naman ang paa ko at nakangusong niyakap siya pabalik. "Grabe ka naman, nay."

Narinig ko naman ang mahinang tawanan nila Uno at ang pagpipigil ng tawa ni Kairo sa likod ko. Bumitaw ako sa yakap ni nanay at lumapit naman kay Johaina na nakangusong nakatingin sa akin.

"Ang bilis niyo namang umuwi, ate. Mamimiss kita," saad niya at yumakap sa 'kin.

"May naiwan kasing trabaho si Kairo saka ako ba talaga mamimiss mo o si Drake," pang-aasar ko sa kanya.

"Ate naman," nakanguso at namumulang angil niya.

Lumuhod naman ako at pinantayan si Myra na parang naiiyak na nakatingin sa akin. Kahapon tuwang-tuwa siya dahil binilhin siya ni Kairo ng bike at maliit na dekoryenteng motor. Since, ninang niya ako at wala akong dalang pasalubong sa kanya, naisipan nalang namin na ibili siya kahapon. 'Yon ang pinili niya at si Kairo naman ang nagbayad.

"Hey! Babalik naman si ninang, 'wag ka ng malungkot," alo ko sa kanya at kinurot ang pisngi niya

"Wala na akong kalaro," sagot niya at maya-maya ay tumulo na talaga ang luha sa mata niya

Lumuhod naman si Johaina at pinantayan rin si Myra saka nito pinunasan ang luha ng bata, "Nandito pa naman ako, tayo nalang mag play ulit kagaya ng dati," pagpapatahan niya kay Myra.

"I want Tito Kalix, mag bike kami uli," humihikbing saad nito.

Napatingin naman ako kay Kairo nang lumapit siya sa amin at yumuko para tingnan si Myra.

"Hey kid! We'll comeback here, we will play again together with your ninang. After I finish my work there, we will comeback here or you can visit us anytime."

Napangiti ako nang unti-unting huminto sa pag-iyak si Myra at tumango sa sinabi ni Kairo. Napalapit na kasi ang bata kay Kairo lalo na't nong binilhan namin siya ng bike ay si Kairo ang nagturo sa kanya. Nakikipaglaro rin si Kairo sa kanya kapag may wala siyang ginagawa.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon