Chapter 13

483 8 0
                                    

"Aalis kayo?" tanong ko kela Uno

Pagkatapos kasi naming kumain ay agad silang umakyat sa kanya-kanyang kwarto para magbihis. Kaya pala nakita ni Drake kanina si Kairo na lumabas sa kwarto ko dahil nasa iisang floor lang pala ang mga kwarto namin.

"Yes, Miss. May kailangan kaming asikasuhin, utos ni boss," sagot naman ni Uno sa 'kin

Tumango lang ako habang sinusundan sila ng tingin palabas ng mansion. Hindi ko alam kung sa company o tungkol sa mafia ang lakad nila, pareho silang nakasuot ng black suit ni Drake at kapwa may hawak na bag.

Required ba na ang mga tauhan ni Kairo ay kailangang nakaitim. 'Yung mga tauhan niya kasi ay mula ulo hanggang paa ay nakaitim, kulang nalang ng itim na shades pwede na sila sa men in black.

Ano ba ang gagawin ko ngayon? Wala naman akong karera, wala ding pupuntahan. Alangan namang maglinis ako ng mansion ni Kairo eh ang laki nito. Kulang ang dalawang araw kung ako lang ang maglilinis ng buong mansion.

Nakahilata lang ako sa sofa dito sa sala ng mansion at palipat-lipat lang ng channel sa TV dahil sa sobrang boring. Hindi ko pa makausap iyong mga kasambahay at tauhan niya dahil hindi naman sumasagot. Sanay naman akong mag-isa sa bahay ko pero iba kasi itong mansion ni Kairo, ang laki-laki tapos sobrang tahimik. Hindi nagsasalita ang mga tao at tanging tunog lang ng TV ang maririnig mo.

Ang mga tauhan niya naman ay nakatayo lang sa bawat gilid ng mansion habang ang ibang mga kasambahay ay hindi ko mahagilap. Siguro lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa, ako lang ang wala.

Wala kasi akong trabaho dahil mas naging focus ako sa pagkakarera ko but I graduated Magna Cum Laude 2 years ago, taking the course Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management.

Yep! BSBA major in FM ako, and guess kung sino ang nagtulak sa 'kin sa course na 'yan? No other than, the great and powerful Kalix Rhon Divinchie.

Mukha lang akong baliw pero matalino naman ako no! Pero wala ang katalinohan ko sa utak ni Kairo, that man is a genious. He graduated Suma Cum Laude in both BSBA major in FM and BS in Civil Engineering in the same year and yeah, if you'll ask me if pinagsabay ba niya ang dalawang program sa college, oo ang sagot. Sa Spain siya nag-aral and he graduated from a prestigious university there.

Matalino ang mokong na 'yon, nag top 2 siya sa board exam sa Civil Engineering, sayang nga dahil ilang points lang ang lamang ng top 1 sa kanya.

Naikwento nga niya sa 'kin dati na gusto niya sanang mag take ng law kaso nga nag-iisang anak siya ni Dad kaya kailangan niyang sumunod sa yapak nito kaya panili niya nalang ang business at engineering na program.

Napahinto ako sa pag-iisip ng pumukaw sa paningin ko ang CCTV camera na nakatutok na naman sa gawi ko. Kinokontrol kaya ito ni Kairo ngayon kaya nakatutok na naman sa 'kin o sadyang nakatutok naman talaga iyan sa side nato dati pa lang.

Kumunot ang noo ko ng gumalaw ito at parang zinozoom ang gawi ko. Imagination ko lang ba 'to o zinozoom talaga ng CCTV ang mukha ko. Para masigurado kung kinokontrol nga ba ni Kairo ang CCTV, ilang beses kong kinaway-kaway ang kamay ko rito.

Napatigil na lamang ako ng marinig ko na mag ring ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng pantalon na suot ko.

Nakakunot-noong sinagot ko ang tawag ng makita ko kung sino ang caller.

"Hello," bungad ko sa kanya

"Pfft, you look like a kid, your face was epic," sagot ni Kairo sa 'kin

Yeah, siya lang naman ang tumawag sa 'kin para asarin ako. Confirmed! Kontrolado nga niya ang mga CCTV dito.

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon