Chapter 12

448 7 3
                                    

"Ano may nahanap ka na ba?"

"Ang hirap, wala akong masyadong makuhang impormasyon sa kanila. Magaling din ang hacker ng mga 'yon,"
naiinis na sagot ni Drake sa 'kin

"Magaling ka rin, para saan pa't ikaw ang Cyber Enigma ng Black Alpha Society."

"Na touched ako, pre. Kaunti nalang maniniwa na akong may gusto ka sa 'kin," nakangising sagot nito habang may pahawak-hawak pa sa dibdib niya

"Tigilan mo 'ko, Drakenji. Baka naman ikaw ang nababakla na sa 'kin. 'Wag, dude, masasaktan ka lang," ganting asar ko sa kanya. Ang hilig talagang mang trip ng isang 'to. Kapag naman ginantihan mo, napipikon.

"Ulol! Never, baka sapakin pa kita."
"Tsk! Matutulog na 'ko, tapusin mo iyang trabaho mo."

Iniwan ko ito sa sala at umakyat na sa kwarto ko. Nasa ikatlong palapag ng mansion ang kwarto namin ni Drake kasama ang kwarto ni boss at ni miss Justine. Limang kwarto ang narito sa ikatlong palapag. Sa amin ni Drake, kwarto ni boss, kwarto ni miss Justine at isang bakanteng kwarto.

Kinabukasan....

Justine's POV

Nagising ako ng maramdaman ko na may mabigat na kamay na nakadantay sa bandang tiyan ko.

Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko at ganoon na lamang ang paglaki ng mata ko ng makita ko si Kairo na nakadapa habang nakayakap sa akin.

"Kairo! Gumising ka nga," paggising ko rito at bahagya siyang niyugyog

Aba! Ang loko imbis na gumising ay umungol lang at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa 'kin. Pilit kong inaalis ang kamay nito pero sadyang mabigat ito, ang laki ba naman ng biceps at kamay niya.

"Kairo, isa! Ano ba namumuro ka na ha! Tanggalin mo iyang braso mo, naiinis na 'ko."

"Let me sleep for a while, napuyat ako kakabantay sa 'yo kagabi. You hug me first last night, face the consequences," inaantok na sagot nito habang hindi minumulat ang mga mata niya.

Nakaharap kasi ito habang nakayap sa 'kin,
Oo nga pala, ako ang naunang yumakap sa kanya kagabi. Hindi ko nga alam kung anong oras siya natulog kagabi dahil binantayan niya talaga akong hanggang sa makatulog ulit ako.

Tumahimik na lamang ako at bumuntong hininga. Hindi na ako gumalaw at hinayaan na lang ang kamay niya na nakadantay sa 'kin.

Naalala ko na naman ang nangyari sa 'kin kagabi. Paano kung hindi dumating si Uno kagabi, saan ako pupulutin ngayon. Baka bangkay na akong maaabutan ni Kairo.

Nakakatakot, sa mga kamay lang pala ng tauhan ni Kairo ako mamamatay.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit inaalis sa isipan ko ang nangyari kagabi. Naiisip ko pa lang ang mukha ng lalaking iyon, tumatayo na ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa takot at pandidiri.

Napamulat ako at napalingon sa bedside table na katabi ni Kairo nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone niya roon. Alam kong sa kanya iyon dahil hindi naman ganoon ang ringtone ng cellphone ko.

"Kai, gising! May tumagawag sayo."
"Arrggghh answer it," nakapikit na saad ni Kairo sa 'kin

"Hindi ko maabot, tanggalin mo na nga iyang kamay mo," asar na sagot ko sa kanya saka ito kinurot ng pino

"Ouch! Fine!" Agad nitong inalis ang braso niya at kinuha ang cellphone niya saka ito sinagot.

"What? " bungad niya sa kausap
"Then? I don't care. Tell them to wait," inis na sagot nito sa kausap at binaba ang tawag

"Sino 'yun?"

"Faye," walang gana nitong sagot

"Bakit ganoon mo siya kausapin? Late ka naman sa meeting mo. Bumangon ka na nga, Kairo."

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon