Nang pumasok si Kairo sa opisina niya ay agad na tumayo sina Uno at yumuko sa kanya bilang paggalang. Tumango naman siya at umupo sa swivel chair niya.
"Boss," tawag ni Drake sa kanya
"I want to hear a good news from you."
Tumango naman si Drake at lumapit sa harapan ni Kairo. Inilapag niya sa harapan ng boss ang dalawang folder, isa ang naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kompanya at isa ang naglalaman tungkol sa mga personal na impormasyon ni Vinhamin at sa anak nito.
"Boss, this is the list and information of Vinhamin's company. Bago ipinalabas sa media ang tungkol sa pagbagsak ng kompanya, ay inayos ko na lahat kagabi. Tinawagan ko ang mga investors niya na mag pull out at binili ko sa mga stockholders ang shares para mapunta sa inyo. As of now, you owned 70% of Vinhamin's Company. Kapag naayos na ang aligasyon at anumalya sa kompanya ni Vinhamin, saka lang natin i-coconfirm ang pagbili mo sa lahat ng shares ng company niya," paliwanag ni Drake at inilatag sa boss ang unang folder. Agad naman itong binuklat ni Kairo at binasa ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa business.
Nang isinara niya ang folder ay binigay ni Drake sa kanya ang pangalawa at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ito naman ang mga impormasyon sa organisasyon at tungkol kay Vinhamin, boss. Mayroon siyang isang anak na lalaki at ang asawa niya ay matagal ng namayapa. Base sa mga nakalap kong impormasyon, wala na siyang kaalyansa dahil umatras ang mga ito. Malakas lang talaga ang loob niya dahil marami siyang tauhan."
Tumango naman si Kairo at ngumisi na nagpangiwi kela Uno. Alam nila na kapag ganito na ang ngisi ng boss ay may naiisip na naman itong hindi maganda.
"So he thinks that he can kill me just because he has a lot of men. Pathetic son of a bitch," tiimbagang saad ni Kairo at binagsak ang folder sa lamesa. Hindi naman umimik sina Drake dahil sanay na sila sa amo.
Nagsalin ito ng alak sa baso na nasa harapan niya at kumuha ng sigarilyo. Sinindihan niya ito bago balingan si Uno. "How about his son, Uno?" baling niya kay Uno na tahimik na nakatayo sa harapan niya katabi si Val.
"Nahanap na namin ang anak niya, boss. Palagi itong nakatambay sa isang casino. Mamayang gabi ay madadala na namin siya sayo," sagot ni Uno sa kanya.
"Good. Be ready, I'm going to that casino tonight. I'll play and you'll get his son."
"Copy boss."
"Boss, may bad news din kaming natanggap," tila nagdadalawang isip na saad ni Drake. Kumunot naman ang noo ng amo at tiningnan siya na waring sinusuri.
"What's that news?"
"May ipinadalang letter ang La Famiglia Integrale. Tungkol po kay Miss Justine, inaanyayahan kayong iharap si Miss Justine sa council," saad ni Drake at inabot sa amo ang isang itim na envelope na naglalaman ng liham.
Hindi naman sumagot si Kairo at masama ang tingin na binuksan ang envelope.
"The mafia boss of the Divinchie Famiglia and head of the Dark Alpha Society is invited to bring the woman he married to the council. El incumplimiento es una violación de los estatutos de la organización. Quien viole será considerado enemigo de La Famiglia (Failure to comply is a violation of the organization's bylaws. Whoever violates will be considered as an enemy of La Famiglia) - La Famiglia Integrale."
"What the fuck do they want? I will never bring Justine to their fucking teritory. They will interogate her if she is part of a mafia organization. After that, they will initiate her to be part of the organization. I will never do that," galit na saad ni Kairo at itinapon ang envelope.
Ang laman ng sulat ay nagsasaad na kailangan niyang iharap si Justine sa council ng La Famiglia Integrale at ang hindi pagsunod dito ay paglabag sa batas ng organisasyon. Kung lalabag si Kairo ay ituturing siyang kalaban ng organisasyon.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
General FictionJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...