Hanggang sa umalis ang babae ay nanatili ang masamang timpla ng mukha ni Justine. Ni hindi na nito natapos ang kinakain at nakakunot-noo lang na nakatingin sa stage.
"Hey! What's with that face, jealous?"
"Hindi ako nagseselos, naiinis lang ako dahil gumawa ng eksena ang babae mo," nagpipigil galit na sagot ni Justine habang nanatili ang tingin sa stage. Ngumiti siya ng peke upang hindi mapansin ng iba ang inis na pagsagot niya kay Kairo.
"Okay, you're not jealous," seryoso ang mukha ni Kairo at tila hindi naniniwala sa sagot ng dalaga.
Inis na umirap na si Justine at nilingon siya, "Bakit naman ako magseselos aber?"
Bahagya niyang inilayo ang mukha niya kay Kairo nang inilapit nito ang mukha sa may bandang tenga niya bago bumulong, "Right, why would my wife be jealous when she knows that she owns every part of me."
Seryoso ang boses nito ngunit hindi napigilan ni Justine ang pagtayo ng mga balahibo niya sa batok. Ang mainit na hininga ng binata at ang matangos na ilong nito na tumatama sa tenga niya ang siyang dahilan ng pagtayo ng mga balahibo niya. Naramdaman niya ang pamumula ng pisingi niya dahil sa sinabi nito. Hindi siya nakasagot at nanatili ang tingin kay Kairo na ngayon ay mariing nakatitig sa kanya.
"Can't find your words?" nakataas kilay na tanong nito
Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang mga ilaw sa stage at unti-unting tumaas ang kurtina na nagsisimulang harang dito. Itinuon niya ang pansin sa lalaking lumabas dito bitbit ang isang microphone habang nakangiti.
"Good evening, ladies and gentlemen. I am Brendon Solbarico, your master of ceremony for tonight's event. Tonight we will witness the glamorous and most interesting items that will be auctioned for this tonight." Paunang salita nito bago humarap sa gawi nila Kairo, "First, let me acknowledge the presence of Mr. Kalix Rhon Divinchie, thank you for attending this event, Sir. " pagbati nito at ngumiti bago marahang yumuko. Nanatili ang walang emosyong mukha ni Kairo at tumango lang sa lalaking nagsalita
"I know you are all waiting for this moment so without further ado, let's start the auction," muling salita nito na ikinapalakpak ng mga nanonood.
Lumabas sa intablado ang isang babae na may suot na itim na maskara habang tulak-tulak ang stand na may nakapatong na kahon na tinakpan ng isang pulang tela. Iniligay nito ang kahon sa gitna at unti-unting tinanggal ang telang nakatakip dito.
"So our first item for tonight is an anklet from Greece. It is made of pure gold with a pendant diamond attached to it. In some culture, women wear anklets to signify that they are already married. So let me ask you, who wants to get this item?" saad ng emcee habang nilalapitan ang unang item na isusubasta. Iilan ang nagtaas ng kamay at kadalasan ay babae na gustong makuha ang alahas.
"Let's start our bidding with 150 million."
"180 Million," saad ng isang babae habang nakataas ang kamay
"200 million," pagbawi naman ng isa
"250 million for my wife," sigaw ng isang matandang lalaki na siyang ikinatawa ng mga nanonood.
Napangiti naman si Justine sa isinigaw nito at tumitig sa anklet na isinusubasta. Maganda nga ang item dahil kumikislap ang dyamanteng pendant nito na kahit sinong magsusuot ay tiyak na makakakuha ng atensyon. Sa itsura pa lang alam mo na kaagad na hindi basta-basta ang presyo.
"Going once, going twice. 250 Million, any bid higher than 250 million?"
"500 million," saad ni Kairo na ikinaligon ni Justine sa kanya. Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang tiningnan ang asawa.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
Ficción GeneralJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...