Chapter 3

563 9 0
                                    

Still third person's POV

Nagising si Kairo ng madaling araw at hanggang ngayon ay nasa VIP room pa rin siya ng club katabi ang babaeng kasama niya kagabi. Pinulot niya ang pantalon at mga damit niya saka agad na lumabas ng kwarto at hindi man lang tinapunan ng tingin ang babaeng nakasiping niya kagabi.

Dahil mas malapit ang bahay ni Justine sa club na pinuntahan niya kagabi ay doon na lang siya tutuloy at makikiligo. Tutal ay may iilang damit pantrabaho naman siya doon at isa pa hanggang ngayon ay inaantok at pagod pa rin ang katawan niya.

Justine's POV

Humihikab na bumaba ako galing sa kwarto ko para makapagluto. Bago kasi ako maligo ay magluluto muna ako dahil nakasanayan ko ng pagkatapos kong maligo ay deritso alis na ako kung may lakad man ako.

"What the hell? " 'Yun na lang ang nasabi ko nang bumugad sa akin si Kairo na nakadekwatrong nakaupo sa hapag-kainan habang umiinom ng kape.

"Good morning, witch"

Ang kapal ng mukhang uminom ng kape sa pamamahay ko, ni hindi man lang ako inalok.

"Anong ginagawa mo rito saka paano ka nakapasok?" nagtatakang tanong ko dahil sa pagkaka-alala ko ay nilock ko yung gate at pinto nong umuwi ako.

"Because you're so damn smart at sa ilalim ng welcome mat mo inilagay ang susi ng bahay mo."

Makakalimutin kasi ako kaya imbis na palaging dalhin ang susi ng bahay ko ay inilagay ko ito sa ilalim ng welcome mat na nasa labas ng pinto.

"Kapal ng mukha mong uminom ng kape at hindi man lang ako inalok "take note" sa pamamahay ko pa idagdag mo pa na nakiligo ka ha! Just wow Mr. Divinchie."

Tapos na kasi itong maligo dahil naka business suit na ito. Tsk! 'kala mo naman siya iyong nagbabayad ng bayarin sa tubig.

Kung makaligo pa naman ang isang 'to daig pa ang babae.

Nahiya naman ako sa kanya. Isipin mo sarili kong bahay pero ako pa iyong walang ligo at hindi man lang inalok ng kape. Talagang makapal ang mukha ng siraulong 'to sobrang feel at home eh.

"Tabi nga Kairo! Kakakahiya naman sayo at hindi ka man lang nagluto, ni kape hindi mo ako ipinagtimpla."

Bahagya ko siyang hinawi saka dumiretso sa ref para makapagluto ng breakfast namin.

Oo namin, dahil alam kong kahit na ayaw kong pakainin si Kairo malamang eh makikikain talaga 'yan. Makapal ang mukha remember?

"Take a bath first."

Yabang nito porke't tapos na siyang maligo.

"Huwag kang maarte 'di mo 'to bahay saka duh? Naghilamos ako no!"

Tahimik lang siyang nanonood sa 'kin habang nagluluto ako. Mukhang nakonsensya yata dahil pinagtimpla niya ako ng coffee na sing tabang ng tubig.

Pero nakalimutan kong wala pala siyang konsensya dahil kampon siya ni Lucifer. No, scratch that, kanang kamay pala siya nito. Joke lang!

Payong kaibigan lang huwag kayong magpadala sa maamo at gwapong mukha ni Kairo dahil sabi nga nila "looks can be deceiving" kaya 'yung mga mukha na sobrang gwapo ay iwasan niyo dahil naku! masasaktan lang kayo. Biro lang, hindi naman lahat.

Pag pasensyahan niyo na kung masyado akong mapanakit ngayon, hindi pa kasi ako nag-aalmusal idagdag pa na umiinit ang ulo ko kay Kairo.

"Damn! I'm already hungry."

Aba siya na nga itong pinagluluto siya pa ang may ganang magreklamo.

"Oh ito na, boss, nakakahiya naman sayo bossing."

His Standard Wife (Dark Alpha Society)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon