"Sa likod po ako sasakay para mas makita ko ang view," saad ko kina nanay habang hinihintay namin si kuya Mike na kinuha ang pick up sa garahe. Kasama niya si Mark dahil dalawang sasakyan ang gagamitin namin. Hindi kami kasya kung isang sasakyan lang, kaya ang limang capo ay sa Raptor sasakay.
"Hindi ba mainit hija saka ayos lang ba sa asawa mo?"
"Hindi naman po, maaga pa naman saka wala pong problema kay Kairo," sagot ko naman at nilingon si Kairo na tahimik na nakatayo sa likuran ko.
"It's fine with me," sagot ni Kairo. Gaya nong nasa eroplano kami ay suot ulit niya ang kanyang authentic ray-ban sunglasses na kumikislap dahil natatamaan ng araw. Kahit simpleng khaki short at white v-neck shirt lang ang suot niya ay nagmukha pa rin siyang model sa isang men's magazine, nakalagay sa bulsa ang dalawang kamay niya habang nakatayo ng tuwid sa likuran ko.
"Oh siya, kayo ang bahala," pagsuko ni nanay at ngumiti na lamang sa amin.
"Val? Ikaw? Saan ka sasakay?" baling ko kay Val dahil baka gusto niyang umupo sa mas komportable.
"Kung saan kayo, doon ako."
Tumango naman ako at tahimik lang din na naghintay kina kuya Mike. Karga ko si Roro habang bahagyang hinahaplos ang ulo nito. Nasa gilid ko si Johaina na hinahaplos din ang ulo ni Roro, malaki ang ngiti nito dahil nasa harap niya si Drake na may kung anong tinitipa sa cellphone niya. Kanina pa siya nakatitig kay Drake at alam kong napapansin na ito ni Drake pero ipinagsawalang bahala na lamang. Si Drake pa eh gaya ni Kairo matalas din ang pakiramdam niya.
"Umayos ka, isusumbong kita kay nanay," banta ko at pinanlakihan siya ng mata.
Tumikhim naman siya at umayos ng tayo saka ibinaling ang tingin sa papalapit na sasakyan ni kuya Mike. Nakasunod sa sasakyan niya ang pula na raptor na minamaneho ni Mark. Nang huminto ito sa harap namin ay agad na bumaba si Kuya Mike at pinagbuksan ng pinto sina Nanay.
Sa passenger seat sumakay si Nanay habang si Johaina at Myra ay sa backseat. Nang makasakay na sila ay kami naman ang pumwesto. Naunang sumakay sa likod si Drake at tutulungan sana si Val pero mabilis lang na nakaakyat ang babae. Sumunod si Uno na walang kahirap-hirap na sumampa sa sasakyan. Nakasara lang kasi ang tailgate ng sasakyan kaya medyo mataas, lalo na sa akin na medyo kinulang sa height.
"Akin na muna si Roro, miss, para makaakyat ka ng maayos," saad ni Uno at kinuha sa akin si Roro.
Buti nalang talaga at leggings ang isinuot ko ngayon kaya komportable akong gumalaw. Suot ko rin ang kulay itim na t-shirt ni Kairo na naging oversized dahil sa sobrang laki sa 'kin. Nakita ko kasi kanina kaya ito nalang ang isinuot ko, wala naman siyang reklamo tuwing kinukuha ko o isinusuot ko ang mga damit niya.
Isasampa ko na sana ang isang paa ko paakyat pero hindi ko na nagawa dahil hinawakan ako ni Kairo at walang salitang binuhat ako paakyat sa sasakyan. Maingat niya akong inilapag sa sahig ng sasakyan bago siya sumunod sa akin. Narinig ko naman ang pagsipol ni Drake at ang mapang-asar na ngisi ni Uno.
"Hindi mo ako kailangang buhatin," saad ko sa kanya at kinuha si Roro mula kay Uno
"Tsk! Sa liit mo mahihirapan kang makaakyat," agad na sagot niya at sinigurado kung nakalock ba.
Hayss! Ayan na naman siya sa mapang-asar niyang pananalita. Pinagdidiskitahan na naman ang height kong wala namang ginagawa sa kanya.
"Minamaliit mo ba ako?" naniningkit-matang tanong ko sa kanya
"Maliit ka naman talaga," mahinang bulong niya pero umabot naman sa tenga ko.
"Ah ganon?" Inis na binalingan ko siya ng tingin at hinila ang tenga niya.
BINABASA MO ANG
His Standard Wife (Dark Alpha Society)
Ficción GeneralJustine is a typical trouble maker lady who wants to hop in different clubs and a famous car racer while Kairo is a mafia boss who wants to bed different ladies. After an incident, they became best friends for years until Kairo had a problem because...